John Prats, Bianca Manalo magka-live in na?

LIVE-IN na nga ba ang arrangement ngayon nina Bianca Manalo at John Prats?

Marami kasi ang nakakakita na parating nasa bahay ni John ang beauty queen turned actress. Halos doon na nga raw ito nakatira.

At dahil dito, siyempre, tongues started wagging.

Marami ang nagtatanong kung magka-live in na nga ba ang magdyowa na kailan lang umaming magsyota na sila.

Kuwento pa sa amin ng isang source, noong Christmas ay sabay palagi na nagsi-Simbang Gabi sina John at Bianca.

At napuna nga nilang basang-basa pa halos ang buhok ng beauty queen pagpasok ng simbahan.

Anyway, mukhang wala naman yatang project ngayon si Bianca after matsugi ang Happy, Yipee, Yehey kaya libreng-libre nga naman siyang tumambay sa bahay ng kanyang boyfriend.

At saka wala namang problema dahil kasundo naman yata ni Bianca ang buong pamilya ni John.

Read more...