KAMAKAILAN lamang ay ginanap ang seminar na tinawag na Social Health Insurance Educational Series o ‘SHInES For Media’ na pinangunahan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) . Katuwang ng Philhealth ang media para maghatid ng magandang balita at maipalaganap ang kahalagahan ng pagkakaroon ng social health insurance coverage.
Dinaluhan ito ng mga media practioners mula sa print at radio na ginanap sa Marco,Polo, Ortigas Center,Pasig City
Layunin ng ‘SHInES for Media’ na higit na mapalawak ang kaalaman ng mga mamamahayag sa National Health Insurance Program (NHIP) at maiparating naman sa publiko sa pamamagitan ng paglalathala o pagsasahimpapawid sa ilalim ng programa.
Ito ay proyekto ng Corporate Communications Department ng Philhealth sa pangunguna ni OIC Vice-President, Corporate Affairs Group Dr. Israel Francis Pargas at Maria Sophia Varlez, senior manager, Corporate Communications Department gayundin ang Social Health Insurance Academy.
Ang education series ay kinapapalooban ng limang presentasyon. Kabilang sa mga ito ay ang: The Philippine Health Sector: Challenges Now and Beyond; Options in Financing Health Care; Not One Left Out: Philhealth and the Mandate to Ensure Universal Population Coverage; Philhealth and the mandate to ensure meaningful financial protection against health risks; Philhealth and the Press: shoulder to shoulder in bringing out the good news at ang Philhealth and the Universal Health Coverage Program. Benepisyong PhilHealth , Alamin at Gamitin; Bawat Pilipino MIYEMBRO; Bawat Miyembro PROTEKTADO; Kalusugan natin SEGURADO
Tinitiyak ng Philhealth na mabigyan ng maayos na serbisyong pangkalusugan ang lahat ng miyembro salig na rin sa National Health Insurance Act of 2013 o ang Universal Health Coverage .
Sa ngayon umaabot na sa 80 milyon ang benificaries nito globally o 82% ng populasyon ang miyembro ng Philhealth. Target ng Philhealth na umabot sa 90% ang miyembro nito sa susunod na taon o 2015.
Ibig sabihin, sa bawat 10 Pilipino, walo ang registered o covered ng Philhealth.
“Philhealth is really a good news to everyone .. Mga Pilipino may proteksyon, huwag ng matakot magpa check up dahil may sasagot na sa inyo” Ito ayon kay Dr. Israel Francis A. Pargas, OIC-VP Corporate Affairs Group,
Paliwanag pa ni Dr. Pargas na ang Philhealth ay isang family insurance na kung saan isa lamang ang nagbabayad ngunit kwalipikado ang lahat ng miyembro ng pamilya
May 5 kategorya para sa mga miyembo ng Philhealh
1. Employed, formal economy- ito ay binubuo ng. Private Employee (Permanent/Regular, Casual, Contractor/Project-Based). Government Employee (Permanent/Regular, Casual, Contractor/Project-Based). Enterprise OWner. Household Helper or Kasambahay at Family Driver
2. Informal economy- kabilang ang mga Migrant Worker, Land Based, Sea Based, Self Earning Individual, Filipino with dual citizenship, naturalized Filipino citizens, citizens of other countries working/residing/studying in the Philippines at organized group
3. Lifetime members – retiree o pensioners na may 120 months contributions o narating na ang retirement age
4. Sponsored Program- mga miyembro na ang kontribusyon at sagot ng sponsor na maaaring ang kanilang lokal na pamahalaan, national government agency o isang pribadong ahensiya/ indibidwal
5. Indigent Members- Ito ang mga mahihirap na pamilya na napili ng Department of Social Workers, Welfare and Development (DSWD) gamit ang pamamaraan ng pagtukoy sa tinatawag na National Household Targetting System for Poverty Reduction (NHTS-PR o Listahan. Sila ay otomatikong miyembro ng Philhealth
Ngunit paliwanag naman ni Dr. Alexander Ayco, Philhealth Board Member na kahit wala sa listahan ng DSWD subalit nabibilang naman sa tinatawag na ‘poorest of the poor’ ay maaari din na makatanggap ng benepisyong ibinibigay ng Philhealth.
Aniya sa bawa’t ospital ay may nakatalagang DSWD officer at dito ay maaring lumapit para mapasama sa benepisyo.
Saklaw din ng programa ang ‘No Balance Billing Policy’ o NBPP na kung saan walang dagdag bayad kung magsasadya sa mga pagamutang pag-aari ng gobyerno.
Ang “No Balance Billing” ay para sa lahat ng Indigent, Sponsored, Kasambahay at iGroup Gold members na kung saan wala nang dapat bayaran pa dahil Sagot lahat ng Philhealth ang buong gastusin sa pagpapagamot sa lahat ng pampubliko at piling pribadong pagamutan na accredited ng Philhealth.
Kasama din sa programa ng Philhealth ang ‘Z Benefits”. Ang benepisyong ito ay para sa mga may malubhang sakit na nangangailangan ng mahal at mahabang proseso ng pagpapagamot. May kaakibat na halaga ng benipisyo na maaaring makuha dito.
At Para higit na mapabilis ang serbisyo, nagtalaga ang Philhelath ng mga empleyado nito sa mga hospitals o Philhealth Cares para mag-asiste o tumulong sa mga miyembro.