Kargador na seaman (2)

Sulat mula kay Jaylord ng Barangay Lower Rizal, Oroquieta City
Problema:
1.      Naitaguyod ng aking mahihirap na magulang ang pagtatapos ko sa kolehiyo sa kursong Marine Transportation.  Ang akala ko, kapag graduate sa four-year course, ay madali nang matatanggap sa anumang trabaho.  Pero, kapag naga-apply ako ay nanlulumo ako sa trabahong papasukan ko.  Nag-apply ako ng trabaho sa Maynila pero halos kargador ako dahil bahagi pala iyon ng roving salesman.  Araw-araw ay biyahe kami nang biyahe sa closed van pero pagdating sa grocery ay magbubuhat din pala ako ng kahun-kahong chichiriya.
2. Kaya balik ako sa manning agencies.  Pero, hanggang ngayon ay di pa sumasakay ng barko, kahit na inter-island lang.  Nakita ko na kahit domestic shipping ay palakasan din pala.  Kaya hanggang ngayon ay wala pa ring trabaho.  Pero, hindi naman ako humihinto sa kahahanap ng trabaho sa mga shipping at manning agencies.  Lahat sila ay nagsasabing tatawagan na lang ako pero hanggang ngayon ay wala pang tawag.  Baka tumanda ako nang di nakasasakay ng barko.  Ako ay ipinanganak noong Marso 27, 1992.
Umaasa,
Jaylord ng Barangay Lower Rizal, Oroquieta City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Aries (Illustration 2.) ay nagsasabing isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Sagittarius ang tutulong sa iyo upang makapangibang- bansa at matupad ang pangarap mong maging isang seaman.
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasabing sa buwan ng Marso hanggang Abril sa taon 2015, kung lagi kang magsusuot ng kulay na pula at dilaw, tulad ng nasabi na, susuwertehin ka na sa iyong career.
Graphology:
Upang mas madaling matupad ang magandang kapalaran sa larangan ng pag-aabroad at pagse-seaman, pagandahin mo ang iyong lagda. Magagawa mo, kung sa halip na patusin ang letrang “t” sa isang malaking bilog sa iyong aplido, gawin mong simpleng “t” na lang ang nasabing letra na may mahabang krokes. Sa ganyang lagda ay magtatagumpay ka na at magiging maligaya.
Huling payo at paalala:
Jaylord, ayon sa iyong kapalaran, sadyang stagnant o walang pagbabago ang magiging takbo ng buhay mo hanggang sa taon ito. Ngunit pagsapit ng taon 2015, mala-dramatikong magbabago ang iyong kapalaran, mula sa paista-istambay lang, magkakaroon ka ng regular na trabaho sa ibayong dagat. Sa nasabing pag-aabroad, tulad ng naipaliwanag na, tuloy-tuloy ka nang uunlad at makakaipon ng sapat na halaga upang makapagtayo ng isang asensado at maunlad na pamilya.

Read more...