Kargador na seaman

Sulat mula kay Jaylord ng Barangay Lower Rizal,
 Oroquieta City
Dear Sir Greenfield,
Naitaguyod ng aking mahihirap na magulang ang pagtatapos ko sa kolehiyo sa kursong marine transportation.  Ang akala ko, kapag graduate sa four-year course, ay madali nang matatanggap sa anumang trabaho.  Pero, kapag naga-apply ako ay nanlulumo ako sa trabahong papasukan ko.  Nag-apply ako ng trabaho sa Maynila pero halos kargador ako dahil bahagi pala iyon ng roving salesman.  Araw-araw ay biyahe kami ng biyahe sa closed van pero pagdating sa grocery ay magbubuhat din pala ako ng kahun-kahong chichiriya.  Kaya balik ako sa manning agencies.  Pero, hanggang ngayon ay di pa sumasakay ng barko, kahit na inter-island lang.  Nakita ko na kahit domestic shipping ay palakasan din pala.  Kaya hanggang ngayon ay wala pa ring trabaho.  Pero, hindi naman ako humihinto sa kahahahanap ng trabaho sa mga shipping at manning agencies.  Lahat sila ay nagsasabing tatawagan na lang ako pero hanggang ngayon ay wala pang tawag.  Baka tumanda ako nang di nakasasakay ng barko.  Ako ay ipinanganak noong Marso 27, 1992.
Umaasa,
Jaylord ng Barangay Lower Rizal, Oroquieta City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Malinaw na may Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.) ang iyong palad.  Sa takdang panahon ay makasasakay ka rin ng barko.  Hindi ngayon taon pero may nakalaang mabunga at mabiyayang pangingibang bansa sa iyong buhay.
Cartomancy:
Jack of Diamonds, Nine of Diamonds, at Four of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa taon 2015 may mabunga at mabiyayang paga-abroad kang mararanasan, ngunit ngayong taon, tulad ng nakalipas na mga karanasan, pais-istambay ka pa muna.
Itutuloy…

Read more...