Jennylyn natatakot madamay sa kaso ni Derek sa ex-wife


Parehong umiwas sina Jennylyn Mercado at Derek Ramsay sa mga tanong kung posible bang magkagustuhan sila habang ginagawa nila ang entry nila sa MMFF 2014 na “English Only Please”.

Tila ayaw madamay ni Jennylyn sa kasong kinasasangkutan ngayon ni Derek na isinampa nga ng kanyang dating asawa na humihingi sa aktor ng P42 million para sa damages.

Sey lang ni Jen, no comment muna siya sa mga tanong na may kinalaman sa personal na buhay nila ni Derek, ang focus daw nila ngayon ay ang kanilang filmfest entry.

Kung mas naging close man daw sila ni Derek ngayon yun ay dahil maganda ang samahan nila sa shooting.And for sure, ‘yan din ang gagawin ni Derek, siguradong mas gugustuhin muna nitong tapusin ang kaso nila ng kanyang ex-wife bago pumasok sa isang bagong seryosong relasyon.

Read more...