ABS-CBN ayaw parusahan si Billy


KINLARO ng management ng taga-Showtime na hindi suspendido sina Billy Crawford at Coleen Garcia. Paliwanag ng aming source, “Hindi po siya suspendido, siya po mismo ang nag-decide na hindi muna mag-report for two days.

Wala pong problema kay Coleen ang Showtime, it’s her choice po. Ang alam ko, she is scheduled to report today (kahapon).”
Natanong namin kung hanggang kailan suspendido si Billy, “Wala pong napag-usapan na suspendido si Billy, hangga’t hindi niya naaayos ang problema niya siguro, choice niya po ‘yun na hindi rin pumasok,” sabi sa amin.

So, walang ginawang parusa ang Showtime kay Billy? Wala ba silang planong turuan ng leksiyon ang singer-TV host?
Halos lahat na ng hosts ng nasabing programa ay nagkaroon na ng matitinding isyu, parang sina Jugs at Teddy na lang ang wala pa, “Hindi siguro sila nagagawi sa The Fort or umiiwas sila,” biro naman ng kausap naming kaibigan mismo ni Billy.

Oo nga, ano bang mayroon ang The Fort at tila may dalang malas sa mga kilalang personalidad?

Read more...