Mero ng Sison, Surigao del Norte
Problema:
1. Pasok na ang edad ko sa linya 40 at para sa lalaking may pusong babae ay naiinggit ako kapag nababasa ko sa dyaryo ang mga lalaki na nagpapakasal sa kapwa lalaki sa Amerika. Iyan ngayon ang pangarap ko: ang makasal sa kapwa ko lalaki. Meron din akong nabalita na nagkakasal sa kapwa lalaki sa Maynila pero hindi ko naitago ang dyaryo.
2. Gusto ko nang matapos ang malungkot na paghihiwalay sa ka-date ko pagkatapos ko siyang bayaran. Ang gusto ko ay uuwi ako sa bahay na naroon na ang permanenteng kasama ko, kahit ako na lang ang magtatrabaho para sa kanya. Walang nagtatagal na lalaki sa akin kahit pineperahan lang ako. May lalaki bang makakasama ko habambuhay? Sinu-sino ang ka-compatible ko? Ako’y ipinanganak noong Oktubre 30.
Umaasa,
Mero ng Sison, Surigao del Norte
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Scorpio (Illustration 2. ) ang nagsasabing siguradong magkakaroon ka ng panghabambuhay na makakasama, na lalaking isinilang sa zodiac sign na Taurus.
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasabing ang lalaking panghabambuhay mong makakasama ay isinilang sa petsang 7, 16 o kaya’y 25, na nakatakda mong makilala sa mga buwan ng Oktubre hanggang Disyembre, sa isang social gathering.
Luscher Color Test:
Sa unang pagtatagpo ninyo ng lalaking makakasama mo habambuhay, ikaw ay nakasuot ng kulay na pula, habang siya naman ay naka-white. Ito ang palatandaang ang nasabi na ngang lalaki, na medyo malaki ang katawan, ang magiging last boyfriend mo at makakasama mo na habambuhay.
Huling payo at Paalala:
Mero, bagama’t sa ating kultura, lalo na sa Pilipinas, bihira lang sa mga bakla, bading o homosexual ang nagkakaroon ng panghabambuhay na ka-partner, sadya namang napakapalad mo. Ayon sa iyong kapalaran, may itinakda sa iyo ang tadhana na makakasama mo habambuhay. Tulad ng nasabi na, isang lalaking Taurus na nagtataglay ng initial na R.O. na nakatakda mong makilala sa nalalapit na mga buwan, ang habambuhay mong magsasama. Bagamat wala kayong magiging supling ay magiging maligaya pa rin ang inyong relasyon. At sa sandaling nag-ampon kayo ng isang anak-anakang babae ay lalo pang liligaya at maging panghabambuhay ang nasabing unique at kakaibang samahan ninyo.
Same sex marriage (2)
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...