Para sa may kaarawan ngayon: Panahon na upang mag-concentrate sa mga bagay na pagkakaperahan. Walang dapat gawin sa ngayon kundi ang magpayaman. Sa pag-ibig, kapag mayamang-mayaman ka na ay lalong maglalaway sa iyo ang isang Libra. Mapalad ang 7, 15, 23, 34, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Bhagava-Githa-Om.” Yellow at pink ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Magiging matagumpay ang larangan ng pag-ibig at romansa, ngunit sa salapi, maaaring kapusin pa rin! Ang pinakamabuting gawin ay magtipid. Hinay-hinay muna sa pagkain ng masasarap, mainam ‘yan para lalo kang sumeksi. Mapalad ang 6, 18, 22, 27, 34 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Keh-Balam.” Green at red ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Hindi uubra ang bait dahil ang pagiging mabait ay hindi nagpapayaman. Sa pag-ibig, isang tao lang ang dapat mong pakitaan ng tunay mong kabaitan – ang kasuyong Virgo. Mapalad ang 2, 7, 16, 25, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Bhanah-Om-Dhosya.” Green at pink ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Higit kang uunlad kung isang kalakal na lang na may kaugnayan sa pagkain at sa nalalapit na kapaskuhan ang atupagin. Sa pag-ibig, upang hindi kayo magtalo hindi dapat pakialaman ang kasuyo—magsasawa din ‘yan sa mali niyang ginagawa. Mapalad ang 5, 18, 27, 30, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Pad-Me-Om.” Blue at red ang buenas
Cancer – (June 22- July 22)—Huwag mawalan ng pag-asa! Kapag tuluyan nang nalusutan ang problema, giginhawa ka na rin! Sa susunod na buwan, dadami na uli ang pera. Sa pag-ibig, unawain ang kasuyong sumpungin. Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 28 at 35. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra.” Red at pink ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Yellow ang kulay ng Leo kaya mas madaling magbabago ang kapalaran kung laging magsusuot ng kulay dilaw. Sa pinansyal at pag-ibig, kulay yellow din ang magbibigay ng suwerte. Mapalad ang 1, 10, 19, 35, 43, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Babanam-Aum-Kebalam.” Bukod sa yellow buenas din ang green.
Virgo – (August 23 – September 22)—Ngayon na ang panahon upang tapusing mabilis ang anumang ginagawa upang magkaroon ng “free time” sa mga gawaing magdadagdag ng kita. Kapag doble na ang iyong income ay mas madali kang yayaman. Sa pag-ibig, kapag maraming pera ay mas magiging maligaya ang relasyon. Mapalad ang 6, 15, 25, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Arjuna-Om-Govinda.” Red at lilac ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Sa anumang sitwasyon ng buhay hindi dapat maging emosyonal. Laging tandaaan ang kasabihang: “Walang personalan, pera-pera lang!” Sa pag-ibig, ‘wag seryosohin ang kasuyong Aquarius, paluluhain ka lang niya. Mapalad ang 2, 7, 19, 25, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Mohan-Aum-Karan.” Green at yellow ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Huwag paglihiman ang kasuyo upang ang relasyon ay hindi mabalaho. Sa pagiging tapat ay dagdag na ligaya ang makakamit. Suwerte sa produktong ideni-deliver at inilalako. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41 at 45. Mahiwaga mong mantra: Mapalad ang 2, 7, 19, 23, 26, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Beeja-Om.” Beige at black ang buenas
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Hindi na uso ang plastic. Madaling makuha ang tiwala ng mga kliyente kung lagi kang magpapakatotoo. Sa pag-ibig ay ganon din, huwag mong lokohin ang iyong kasuyo upang tuloy-tuloy na lumigaya ang inyong relasyon. Mapalad ang 3, 9, 16, 32, 34 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Veda-Om-Ratha.” Violet a white ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Sa malayong lugar, mas malaking halaga ng salapi ang kikitain! Tama ang mungkahi ng kasuyo, posible nga kayong makapag-abroad na dalawa kung sisimulan n’yo nang mag-ayos ng mga papels sa ngayon. Mapalad ang 9, 18, 27, 34, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Yosoda-Om.” Magenta at beige ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Hindi madaling magpatawad, ngunit kailangan mong gawin ito upang muling mabuo ang relasyon! Sa pinansyal, tandaang hindi ka uunlad at yayaman kung mananatili kang nag-iisa. Mapalad ang 2, 16, 25, 34, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Minna-Om-Galla.” Green at red ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)— Ang mga Pisces ay kung ano-ano ang iniisip subalit kung matutuhan mong mag-concentrate sa iisang larangan lang sa tumbok na panahon mas madali kang yayaman at magtatagump-ay. Sa pag-ibig, mas mainam na magseryoso sa isang Cancer. Mapalad ang 3, 14, 27, 32, 41 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Yod-Heh-Vah-Weh.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.