Pacman sasabak sa bagong challenge


SIMULA ngayong Linggo (Sept. 14), bibigyan ng GMA Network ng bagong kahulugan ang sports sa pamamagitan ng pinakabagong weekend primetime offering na MP Featuring Sport Science na ipalalabas twice a month pagkatapos ng Sa Puso Ni Dok.

Ang MP Featuring Sport Science ay magmamarka sa pagbabalik ng Pambansang Kamao at world-class boxing champion na si Manny Pacquiao sa Philippine TV bilang host ng infotainment program na ito.

Sasamahan si Manny ng Kapuso TV host-actress Solenn Heussaff. Sa Celebrity Sports segment ng programa ay ibabahagi ng mga athletic Kapuso stars ang kanilang mga trainings na pinagdadaanan bilang paghahanda sa kanilang mga sasalihang kompetisyon. Ito ay maghihikayat sa lahat upang maging fit at healthy.

Dahil kilala ang mga Pilipino bilang sports enthusiasts, magbibigay ito ng mga kakaibang kaalaman sa mga manonood na mayroong science hindi lamang sa bawat sport kundi maging sa pagiging champion.

Ipapakita rito ang science at engineering factors sa likod ng bawat athletic endeavor ng isang sports legend. Ipalalabas din dito ang mga episodes mula sa programang Sport Science ng Fox Sports Net na nagpapakita ng in-depth analysis ng abilidad ng mga athletes sa pamamagitan ng pagsusukat, pagsusubok, at paghahambing ng kanilang lakas sa mga makina at hayop sa tulong mga doktor at dahubhasa.

Samantala, natatangi ang MP dahil dito masusukat ang kakayahan ni Manny sa boxing na nagpapatunay ng kanyang pagiging world-class champion.

Siguradong magiging kapana-panabik ang panonood ng mga Pilipino sa bawat episode dahil sa mga exciting sports segments na nagbabahagi ng mga pinakabagong kaalaman hinggil sa sport science.

Sa direksyon ni Rico Gutierrez, ang MP Featuring Sport Science ay pinangungunahan nina Senior Vice President for Entertainment TV Lilybeth G. Rasonable; Vice President for Entertainment TV Marivin T.

Arayata; Assistant Vice President for Games and Reality Janine P. Nacar; Program Manager Enrilyn T. Calaycay; at Executive Producer Lui Cadag.

Magsisimula na ito ngayong Linggo after Sa Puso Ni Dok sa GMA 7. I’m sure bagong challenge na naman ito kay Pacman.

Read more...