How true na very soon daw ay tuluyan na ring aalisin si Paolo Bediones sa TV5? Matapos nga itong magsumite ng kanyang indefinite leave of absence bilang news anchor sa TV5, may mga ugong-ugong na very soon ay tatanggalin na rin ito sa iba pa niyang show sa network.
Ang lahat nga ng ito ay dahil sa paglabas ng dalawang sex video ng news anchor na sa palagay ng marami ay isa nang mantsa sa kanyang kredibilidad at integridad bilang news personality, pati na rin ng buong news organization ng TV5.
Nakakalungkot subalit sa palagay namin ay nararapat na hakbang lang ito ng TV5. Soon ay lilipas din ang lahat at mas titingnan ng mga tao ang husay at dedikasyon ng gaya ni Paolo.
Kung mahaba-habang proseso at panahon man yun na kailangang gugulin ni Paolo, wala siyang choice kundi ang pagtiisan ito at hintayin ang pagbabalik ng tiwala sa kanya ng publiko.