Sa napakahabang Facebook post ni direk Erik Matti laban kay Lovi Poe matapos itong tumangging gawin ang part ng “Aswang Chronicles” na entry sa MMFF 2014, isang simpleng “no comment” lang ang sagot ng manager ng aktres.
Tila may pakahulugan naman ang recent social media post ni Lovi hinggil sa mga nangyayari sa buhay niya. Ikiinonek pa nga ito sa sinabi ni Billy na, “Lahat naman tayo ay may pinagdadaanan sa buhay.” May nag-comment na hindi talaga masaya ngayon ang aktres.
Ayaw naming isipin na hindi may pinagdadaanan ngayon ang relasyon nina Lovi at Rocco Nacino dahil dahil kamakailan lang sa marriage proposal ni Sen. Chiz Escudero kay Heart Evangelista ay balitang kinilig din ang magdyowa, inggit na inggit nga raw ang dalawa sa kanilang mga kaibigan.
Maganda rin naman ang takbo ng karir ni Lovi dahil hindi siya nawawalan ng trabaho. Hindi kami aware sa kontratang pinirmahan niya para sa pelikulang “Aswang Chronicles” nina Dingdong Dantes at Erik Matti, pero may mga ispekulasyon na ang bigla niyang pag-ayaw sa proyekto ay may kinalaman nga sa “away” nila ni Marian Rivera na ikakasal na nga sa leading man niyang si Dingdong.
May kuneksyon din ito sa pagiging magkaibigan nina Lovi at Heart na “kaaway” din daw ni Marian. Hay, kung mayroon man kaming hindi sinasang-ayunan sa mahabang litanya ni direk Erik Matti kay Lovi ay yung pagtawag nito ng “starlet” sa aktres.
Para sa amin ay foul na yun. In all fairness, isa sa masasabing most competent actresses ng kanyang henerasyon ngayon si Lovi and she has various awards from respectable and noted award-giving bodies to prove this.