Alex napilitan lang makipag-date kay Joseph


NAPILITAN lang ba si Alex Gonzaga na umoo kay Joseph Marco na maging date niya sa nakaraang Star Magic ball?
Marami kasing nagkuwento sa aming mga katoto ang nakapansin na sa pagdating lang daw sa red carpet magkasama sina Joseph at Alex at pagdating sa loob ng ballroom ay hindi na sila magkasama.

Kuwento sa amin, “Parang hindi naman sila ang magka-date nu’ng gabi, kasi si Alex, sa ibang table nakigrupo at naki-picture, tapos si Joseph naman sa ibang table rin.

“Di ba kapag kayo ang magka-date, magkasama kayo all throughout the evening? Maliban na lang pag-uwi kasi for sure, may sariling sasakyan naman si Alex at kasama niya ate Toni (Gonzaga) niya.

“E, nakita lang na magkasama sina Joseph at Alex sa pagpasok sa red carpet, tapos pagdating sa loob, kanya-kanyang table na, anyare?” sabi pa ng kausap namin.

Bakit nga ba ganu’n? May tampuhan ba that night sina Joseph at Alex? Hindi ba’t pumayag naman ang Pure Love star na maging date niya ang ka-loveteam niya sa Star Magic Ball?

Anyway, sa pagpapatuloy ng kuwento ng seryeng Pure Love sa ABS-CBN, may isang pure love tear nang natanggap si Diane (Alex) mula sa mga taong nakapaligid sa kanya, mapapanood na ito ngayong hapon bago mag-TV Patrol.

Read more...