Billy muntik nang pagtulungan ng isang grupo ng lalaki sa bar


As of this writing ay kasalukuyang nakakulong pa rin si Billy Crawford sa Taguig City Police Station dahil sa panggugulo niya noong Linggo ng gabi dahil sa sobrang kalasingan.

Naunang itinanggi ni Billy na nakasakit siya ng babaeng pulis na naka-duty sa Station 7 noong Linggo ng madaling araw, salamin lang daw ang nabasag niya.

Kuwento sa amin ng nakakita, “Totoong nagpunta si Billy sa police station para i-hold siya kasi nga lasing siya at magpapababa ng tama ng alcohol, e, sabi nga wala naman dahilan para mag-stay siya, so nagwawala kasi hindi mapakali, tapos nasipa niya ‘yung salamin, so doon na siya inawat nu’ng policewoman, hayun, sinuntok straight to the face ni Billy ‘yung tao.

“Hindi puwedeng itanggi ni Billy ‘yung pagkakasuntok niya sa plady police kasi nagpa-medico legal kaagad. Kaya siya kinasuhan ng malicious mischief, resisting arrest, at disobedience,” sabi pa ng aming source.

Samantala, sabi naman ng taong hiningan ng tulong ni Billy ay, “Wala siyang puwedeng gawin kundi humingi ng dispensa sa mga nasaktan niya, bayaran niya ang nasira niyang salamin, makipag-areglo siya kasi wala naman siyang lusot.

Sa dinami-rami naman ng susuntukin niya, babaeng pulis pa. Mabigat ‘yun!” Ikinuwento sa amin kung ano ang tunay na dahilan kung bakit lasing at nagpunta ng presinto si Billy pero minabuti naming huwag na lang isulat para hindi na lumaki pa ang isyu dahil inaayos na ito sa kasalukuyan habang nakaditine pa rin ang TV host-actor.

Dagdag tsikang natanggap namin na paglabas palang daw nina Billy at girlfriend nitong si Coleen Garcia sa Rizal Ballroom, Makati Shangri-La Hotel kung saan ginanap ang Star Magic Ball ay mainit na raw ang ulo ng binata at tila nag-aaway ang dalawa.

Nakitang mag-isang pumasok si Billy sa isang bar kung saan siya uminom at nang paalis na ang TV host ay nakarinig siyang ng nagkakatawanan na grupo ng mga kalalakihan na siya ang puntirya pero hindi niya pinansin bukod pa sa sinabi niya sa bouncer na ilabas na siya dahil baka makasakit pa siya ng tao at pagkatapos ay dumiretso na sa Taguig City Police Station 7.

Hindi raw kasama ni Billy ng mga sandaling iyon si Coleen dahil nagkahiwalay na sila bago pa pumasok ng bar ang TV host-actor. Ang tanong, may alitan ba sina Billy at Coleen kaya naglasing ang una?

Samantala, nagpadala naman ng official statement ang management company at legal counsel ni Billy noong Linggo ng gabi.
“It’s unfortunate that so many rumors are being circulated regarding an event which we will clear through the proper legal proceedings.

“We thank the polive for being professional while appropriate investigation on the incident is being conducted. “We ask media to respect Billy’s right to due process and privacy on this matter.

“Rest assured that he did not hurt anyone and no one was inured as it’s not in his nature to do so. We are confident that truth shall prevail in the end.”

Samantala, hindi muna mapapanood sina Billy at Coleen sa noontime show na It’s Showtime. “Alam nating lahat kung ano ang nangyari sa kapatid nating si Billy.

In the meantime, hindi muna natin siya makakasama dito sa Showtime,” ang sabi ni Kim Atienza kahapon sa live episode ng programa. Mensahe naman ng kasamahan niya sa Showtime na si Vhong Navarro, “Kuya Billy, pahinga ka muna.

Nandito lang kami para sa inyo. Hindi ka nag-iisa we love you.”  “At ang isa pang kulang dito, Coleen, baby girl, okay ka lang diyan. Just take a rest and we will be here for you as well,” ayon naman sa isa pa nilang co-host sa programa na si Anne Curtis.

Read more...