Sulat mula kay Mero ng Sison, Surigao del Norte
Dear Sir Greenfield,
Pasok na ang edad ko sa linya 40 at para sa lalaking may pusong babae ay naiinggit ako kapag nababasa ko sa dyaryo ang mga lalaki na nagpapakasal sa kapwa lalaki sa Amerika. Iyan ngayon ang pangarap ko: ang makasal sa kapwa ko lalaki. Meron din akong nabalita na nagkakasal sa kapwa lalaki sa Maynila pero hindi ko naitago ang dyaryo.
Gusto ko nang matapos ang malungkot na paghihiwalay sa ka-date ko pagkatapos ko siyang bayaran. Ang gusto ko ay uuwi ako sa bahay na naroon na ang permanenteng kasama ko, kahit ako na lang ang magtatrabaho para sa kanya. Walang nagtatagal na lalaki sa akin kahit pineperahan lang ako. May lalaki bang makakasama ko habambuhay? Sinu-sino ang ka-compatible ko? Ako’y ipinanganak noong Oktubre 30.
Umaasa,
Mero ng Sison, Surigao del Norte
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Huwag kang malungkot. Kahit lalaki ka, may malinaw na Marriage Line
(Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Pero, kailangan ang tiyaga dahil hihintayin mo ang pagdating niya sa buhay mo. Ang magandang balita, habambuhay mo siyang makakasama.
Cartomancy:
Ang mga barahang Jack of Hearts, Queen of Clubs at Ten of Hearts (Illustration 1.) ay nagsasabing sa tulong ng babaing maganda, magkakaroon ka na rin ng asawa na kapwa mo lalaki.
Itutuloy…
Same sex marriage
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...