IBINUKING ni Derek Ramsay na may isang taong nagpapanggap na siya para makapanloko ng ibang tao.
Sa kanyang Twitter account, nakiusap si Derek sa gumagamit ng kanyang pangalan sa social media at nakikipagtransaksiyon sa kung sinu-sino at humihingi ng kung anu-ano na tigilan na ang ginagawa nito.
“Guys pls be informed that there is someone going around pretending to be me.
“He pretends to be interested in condos and then offers indecent proposals. Whoever you are pls stop what you’re doing,” tweet ni Derek.
Kaya sa lahat ng followers at kaibigan ng Kapatid hunk star, kung meron daw kayong matatanggap na text message o tawag mula sa pekeng Derek Ramsay na kung anu-ano ang hinihingi o ino-offer siguradong hindi raw siya ‘yun at huwag paniwalaan.
Kasabay nito, agad namang nagpasalamat ang aktor sa kanyang followers na nag-retweet ng kanyang babala para wala nang mabiktima ang gumagamit sa kanyang pangalan.
MOST READ
LATEST STORIES