TUWANG-tuwa si Pangulong Aquino nang kunin siyang best man ni Senador Chiz Escudero sa gagawing kasal nito sa actress na si Heart Evangelista sa Pebrero 2015.
Tila nabunutan anya siya ng tinik nang kunin siyang best man ng senador at hindi ninong. Ayon pa sa pangulo matalik silang magkaibigan ng senador.
“Now, as to being best man, siyempre, I’m honored. I am relieved that I wasn’t made ninong, ‘di ba,” sabi ni Aquino sa isang ambush interview sa Davao City.
Idinagdag ni Aquino na matalik silang magkaibigan ni Escudero.
“We’ve known each other since we started in Congress in ’98. Medyo mahaba-haba na rin ‘yung period, marami na rin kaming pinagdaanan. Number one, I’m really glad. ‘Yung perhaps this really will be the root for both of their happiness and I will pray for that and, hopefully, it really will materialize,” dagdag ni Aquino.
Habang si Escudero ay magdadalawa na ang naging asawa, Si Aquino ay nananatili pa ring binata. Kasalukuyan ay walang naiuugnay sa kanya na bagong babae.