BONGGA pa lang na pinag-uusapan ang 8th Star Magic Ball noong Sabado ng gabi nang bigla ngang bumulaga sa mga balita kinaumagahan ng Linggo ang diumano’y pagwawala ni Billy Crawford sa isang presinto sa Taguig City.
Gulat na gulat nga ang marami dahil ang saya-saya pa lang nu’ng mga naglabasang photos the previous night sa Star Magic Ball na ginanap sa Makati Shang-ri La, at isa nga du’n ang aktor-host na si Billy Crawford na ka-date nga ang GF na si Coleen Garcia.
Sa mga news programs kahapon ng Linggo ng tanghali, ipinakita nga si Billy na may posas. Ang kuwento ay nagpunta ito kasama ang dalawang babae sa naturang presinto para humingi ng tulong.
Ayon sa mga report ng pulis na naka-duty ay naamoy nilang nakainom ang aktor at gusto daw nitong magpakulong sa naturang police precinct dahil sa personal na problema.
At kung hindi daw siya ikukulong sa loob ay baka daw makapatay siya at nagbanta pa na babasagin ng salamin sa presinto. Naganap umano ang lahat ng ito noong Linggo ng alas-4 ng umaga.
Subalit nang payuhan daw si Billy na walang kulungan sa naturang presinto 7 at sabihan itong sasamahan na lamang ng mga babaeng pulis on duty sa headquarters sa Bonifacio Global City kung saan naroroon ang kulungan ay nagwala na nga raw ito.
May report pang sinuntok nito ang babaeng pulis at binasag nga ang sliding glass door ng presinto. Dahil dun ay pinosasan ang aktor-host at ikinulong.
Mabilis namang nagbigay ng kanyang reaksyon ang GF ni Billy na si Coleen Garcia at agad na nag-tweet sa kanyang Twitter account na maging maingat sa pagbabalita, partikular ang GMA News TV na siya ngang naglabas ng news.
Ayon pa kay Coleen hindi raw magagawa ng kanyang dyowa na manakit ng babae lalo pa’t pulis at kilala rin daw ang mga kasama nitong babae (na ayon sa report ay bigla na lamang nawala nang magkagulo na sa presinto) dahil mga personal friends daw nila yun.
Huwag daw haluan ng malisya o negatibong report ang news at sana naman daw ay huwag agad maniwala ang mga tao dahil nagpapatunay lamang daw na ang alinmang report ay 100% accurate.
Ayon naman sa DZMM reporter na si Dexter Ganibe na nandoon sa presinto para alamin ang balita, naabutan nga niya ang manager ni Billy na si Arnold Vegafria at sinabi nitong maayos naman ang pagkaka-ditone ni Billy sa presinto.
Hinihintay lamang daw nila ang kanilang legal counsel para malaman ang detalye ng lahat ng pangyayari at makapag-isyu na sila ng official statement.
Sinabi rin nitong agad namang nagpayo ang ABS-CBN management kina Billy na humingi ng apology tungkol sa pangyayari.
So stand by nga tayo mga ka-BANDERA kung ano ang mga katotohanan sa likod ng mga pangyayari dahil mukhang ang ending ng lahat ng ito ay ang pagpuna na naman sa programang It’s Showtime kung saan lagi na lang nauugnay sa iskandalo at kontrobersya ang mga host.
Matatandaang early this year ay si Vhong Navarro ang nalagay sa mga headline dahil sa pangre-rape daw nito kay Deniece Cornejo, na sinundan naman ni Vice Ganda (siya actually ang nauna last year pa), tapos ni Anne Curtis nga, at ngayon ay si Billy! Hay…!!!
Matapos kumalat ang balita ng pagkakakulong niya sa Taguig Police Station, nag-sorry na rin si Billy Crawford. Inamin niya na kasalanan niya ang lahat ng nangyari at humihingi siya ng paumanhin sa mga nasaktan niya, kabilang na ang nasaktan niyang pulis.
“It was my fault pero wala akong nasaktan, wala akong tinulak, wala akong tinamaan kundi ‘yung salamin,” anang singer.
“To be honest with you, I don’t see anything wrong with what I did. It was my fault for actually being aggressive. Buti na lang it didn’t happen in a bar, it didn’t happen anywhere else. It happened in a precinct.
“The reason why is because I knew for a fact I needed to be in a controlled environment. So as I said, I really apologize to the officers if I said anything derogatory or anything else,” dagdag pa ng Kapamilya actor.
Inamin ni Billy sa interview na lasing siya nang maganap ang insidente, “You know when we are under the influence of alcohol, you just don’t really fake it. I don’t come from a background na to hide or to fake anything.
It’s an aggression. I’m just really exhausted. I’m stressed out by certain situations. We try to be the best we are. We are not perfect. Ibig sabihin ng ‘Ayaw ko makasakit,’ I’m getting the aggression.”
“When they put the handcuffs on me, I calmed down. When I sat down, I just… ewan ko. Ito ba ‘yung pahinga na sinasabi ko na gusto ko. I can’t contain myself if I’m under the influence of alcohol.
Sasabihin ko nga that was the only thing that was wrong for me. I just really apologized.” Sa tanong kung ano ang natutunan niya sa nangyari, “Maybe lessen the alcohol and act like a grown up. It’s really immature and it’s a shame for me.”