Sulat mula kay T.R., ng Calatrava, Negros Occidental
Problema:
1. Single mother ako dahil ako’y torpe sa lalaki. Madaling humanga, madaling maniwala. Ang tingin ko sa sarili ay bumaba na ang pinakamalas na yugto sa buhay ko, ang naanakan at iwan ng bumuntis sa akin.
2. Labis kong pinupuri ang aking mga magulang na binigyan ako ng ikalawang pagkakataon sa buhay at pinag-aral pa, hanggang sa makatapos sa kolehiyo. Sa susunod na taon ay kukuha ako ng licensure examination at kapag nakapasa ay ito na ang nakikita kong paraan para makabayad sa aking mga magulang at mapalaki ko nang tama ang anak ko. Puwede mo bang sabihin sa akin na makapapasa ako sa exam? May darating pa kayang lalaki sa buhay ko na tatanggapin ako at ang aking anak? Ipinanganak ako noong Oktubre 21, 1991.
Umaasa,
T.R., ng Calatrava, Negros Occidental
Solusyon/Analysis
Astrology:
Ang zodiac sign mo ay nagsasabing (Illustration 2.), madali kang susuwertehin sa career pero sa pag-ibig, tulad ng nangyari at mangyayari pa may manaka-nakang kamalasang sasapitin, maliban na lang kung sa ikaapat na pag-ibig, isang Aquarius ang sasagutin at magiging boyfriend mo.
Numerology:
Ang birth date mo ay nagtatakda ng isang magara o kakaibang kapalaran. Kung saan, tulad ng nasabi na, “suwerte sa career malas sa pag-ibig” ngunit sa ika-4 na pakikipag-boyfriend, magiging maligaya ka rin at magkakaroon ng matagumpay na pamilya.
Luscher Color Test:
Upang magtutuluy-tuloy ang suwerte sa career at sa pag-ibig lagi kang magsuot at gumamit ng kulay na violet, yellow at red. Ang nasabing mga kulay ang magdadala sa iyo sa isang maganda at positibong kapalaran.
Huling payo at paalala:
T.R., ayon sa iyong kapalaran hindi ka dapat mag-alala sa career, dahil sa sandaling kumuha ka ng board exam sa susunod na taon, siguradong makakapasa ka at magiging ganap na propesyonal, ngunit sa pag-ibig, dalawang kabiguan pa ang iyong pagdadaaanan, sa ika-apat na pakikipag-relasyon, mabubuo ang masaya at maunlad na pamilya; at tuluy-tuloy na ang suwerte.
May career pero walang love (2)
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...