Horoscope, September 08, 2014

Para sa may kaarawan ngayon: Tandaang ang pagyaman ay nagpapasaya at magagawa mo yan, dahil ang mga isinilang sa petsang 8 ay talaga namang yumayaman. Sa pag-ibig, kung kapwa kayo happy ng kasuyo, mas maraming pera ang darating. Mapalad ang 4, 17, 25, 31 35, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Saguna-Santura-Om.” Yellow at green ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Itaas pa ang pangarap, dahil ang lahat ng iyan ay isa-isa nang matutupad.  Sa sandaling muling nagpakita ang araw  uunlad na muli ang  karanasan. Mapalad ang 6, 9, 18, 27, 36, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Arjuna-Om.” Orange at blue ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—‘Wag malumbay kahit unti-unti nang nauubos ang pera. Sa susunod sa buwan, muling aangat ang kabuhayan. Maraming biglaang salapi ang kusang darating. Sa pag-ibig, puwede ng pagtsagaan ang isang Aries. Mapalad ang 3, 9, 17, 26, 41, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Red at pink ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Kahit na pumalpak ang diskarte noong nakaraan mga araw, hindi masama kung magsisimula kang muli. Sa pananalapi magdagdag ng investment upang madagdagan ang kita. Sa pag-ibig, wag ng ulitin ang nakaraang pagkakamali. Mapalad ang 1, 7, 19, 25, 34 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Kubera-Regama-Om”. Green at orange ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Lakas ng loob ang kailangan upang yumaman. Sa pag-ibig, ‘wag mahirati sa pag-iisa, kung magkakaroon ka ng kaparehang isinilang sa petsang 5, 14, at 23, mas mabilis kang uunlad at liligaya. Mapalad ang 5, 14, 23, 34, 44, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Devadhi.” White at purple ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Samantalahin ang magagandang pagkakataong dumarating. Sa pinansiyal magagawa mo na ngayong doblehin ang iyong income. Sa pag-ibig, may umaalis upang pagkatapos may dumating na mas masaya. Mapalad ang 3, 18, 27, 33, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: Egosum-Obre-Om.” Maroon at lilac ang buenas
Virgo – (August 23 – September 22)—Sa panahong ito, iwasan ang illicit love affair. ‘Wag makipag-landian kung kanikanino. Sa panansiyal, habang dumadami ang tukso patuloy namang uunlad at sasagana ang kabuhayan. Mapalad ang 5, 18, 27, 36, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Harim-Haribol-Aum.” Silver at purple ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Ingatan ang natitirang salapi! ‘Wag gasta nang gasta nang walang kabuluhan. Sa pag-ibig, ipatago ang hawak na pera sa kasuyong kuripot upang mapaglaanan  ang kinabukasan ng pamilya. Mapalad ang 5, 10, 31, 34, 42 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Suchadeebda-Om.” Metallic blue at violet ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Hindi pa tapos ang iyong suwerte. May darating pang mas malaki sa susunod buwan.  Sa pag-ibig, muling mag-aalab ang relasyon habang umiinit ang panahon. Mapalad ang 3, 15, 21, 33, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Akaye-Om-Savitre.” Red at green ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Tanggapin ang inaaalok na paglalakbay ng isang kaibigan. Sa malayong lugar, matatagpuan ang kapayapaan ng isipan at  magandang kapalaran. Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum- Padha-Bhuti-Om.” White at beige ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—’Wag sumawsaw sa suliranin ng iba. Upang umunlad at lumigaya, iwasan ang  pakikipag-tsismisan. Sa pag-ibig, ituloy mo lang ang masayang relasyon ninyo ng kasuyong Virgo kahit na maraming lihim na naiingit. Mapalad ang 4, 14, 27, 33, 38 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Yellow at violet ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Walang anu-ano biglang mapapasa iyo ang magagandang kapalaran! Ang dapat lamang gawin ay matutong magpasalamat. Mamayang gabi, sa harap ng altar magsindi ng kulay green na kandila at ipagpasalamat ang lahat ng mga biyayang natanggap. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 42, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Rama-Oma.” Bukod sa green buenas ang yellow.
Pisces – (February 19 – March 20)—Sa negosyo, sa pagiging negatibo maraming mawawalang oportyunidad! Sa pag-ibig, kung lagi kang nagdududa paano ka makakasumpong ng maligayang pag-ibig? Mapalad ang 8, 19, 29, 34, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Hara-Han-Tha-Om”. Gold at green ang buenas.

Read more...