Mark nabiktima ng sumpa dahil sa pagganap bilang Ferdinand Marcos?


HINDI pa rin nakukunan ng pahayag ang magaling na singer na si Mark Bautista hinggil sa pagkakadakip sa kanyang ina dahil sa kasong estafa noong Sept. 3 sa Cagayan de Oro City.

Ayon sa report, ang nanay ni Mark na si Mrs. Susan Bautista ay dinampot ng mga pulis sa bisa ng warrant of arrest dahil sa hindi pagbabayad sa kanyang mga utang na hindi naman nabanggit kung magkano.

Sa isang malapit na kaibigan o parang sa kaanak pa yata nagkaroon ng malaking pagkakautang ang nanay ng mahusay na singer na sa ngayon nga ay nasa United Kingdom para sa bonggang musical play kung saan gumaganap siya bilang si yumaong dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Puwede naman daw mag-post ng bail ang nanay ni Mark para makalaya pero desidido raw ang nagpahuli na turuan ng leksyon ang ina ng aktor-singer.

Tsk, tsk, tsk. Wala naman sigurong kinalaman ang sinasabi ng ilan na mayroon nga raw “sumpa” na dala-dala ang pagbibigay-buhay sa mga infamous characters gaya nga ni Pangulong Marcos na siya ngang papel ni Mark sa nabanggit naming stage play. Kaloka naman yata yun, ha!

Read more...