Paolo Bediones pinarusahan ng TV5, tsinugi na sa Newscast


PAHULAAN pa rin as of this writing kung tsinugi na si Paolo Bediones sa newscast program ng TV5. Hindi na kasi siya umaapir bilang news anchor sa kanyang programa kaya naman marami ang nagtatanong kung nag-tender siya ng resignation o tsinugi siya o nasuspinde lang.

Medyo marami ang naintriga sa latest post ni Paolo na parang he’s hinting that he just made a big decision in his life recently.
“Some of the hardest and most painful decisions in life actually free you from living your life in fear. Have a blessed Wednesday everyone :),” tweet niya.

Ano kaya ang ibig niyang sabihin sa message niyang iyon? Meron ba siyang nilayasang show? Anyway, pinag-uusapan pa rin sa social media kung ang pagkawala ni Paolo sa newscast ay dahil sa paglabas ng dalawang sex video niya na talagang gumulantang sa publiko.

Humingi na ng tulong si Paolo sa PNP para maiwasan ang posibleng paglabas ng second video matapos may magbanta sa kanya na susundan ang naunang sex scandal niya pero wala ring nangyari.

Lumabas pa rin ang second video at tila hindi natakot ang nangba-blackmail sa kanya. Anyway, mapapanood pa rin naman si Paolo sa TV5.

Tuloy pa rin ang isa niyang show as evident in a photo he recently posted with this caption, “Here at the Araneta Bus Terminal shooting Rescue5 travel safety tips in preparation for the coming sem break and all souls day. Full and productive day at work for TV5. Have a blessed and terrific Thursday! 🙂 @rescue5ph.”

Read more...