One on One with Boyet Fernandez


MAGBABALIK sa PBA si dating Sta. Lucia Realtors head coach Boyet Fernandez sa pagbubukas ng Season 40 ng liga. Ito ay matapos mabili ng NLEX Road Warriors ang prangkisa ng Air21 Express. Naihatid sa kampeonato ang NLEX sa PBA D-League at San Beda Red Lions sa NCAA, tatangkain muli ni Fernandez na magkampeon sa PBA hawak ang Road Warriors. Sa panayam kay Bandera correspondent Eric Dimzon, sinabi ni Coach Boyet ang kanyang saloobin sa bagong hamon sa kanyang coaching career.

Ano ang pakiramdam na balik-PBA ka bilang head coach ng NLEX Road Warriors?
Masaya pero malungkot din kasi pag na-formally appoint na ako as NLEX head coach, iiwan ko na ang San Beda.

Di ka ba natatakot na hindi mo madala ang winning tradition ng NLEX sa PBA big league?
Mahirap talaga sa PBA pero nangangako akong magtratrabaho nang husto para mapanatili ng NLEX ang winning tradition na sinimulan nito sa D-League.

May pressure ba na panalunin agad ang NLEX sa rookie year nito?
Wala namang pressure. Pero I do put pressure on myself to perform well.

Ano ang maaasahan ng fans sa NLEX sa pagpasok nito sa PBA Season 40?
Asahan ng mga fans na lalaban kami in every game.

Si Matt Ganuelas ang kinuha ng NLEX sa rookie draft. May iba pa bang players na balak kunin ang team?
May mga negotiations to get some players pero di pa sure kung matutuloy.

Nalulungkot ka ba na wala kang nakuha sa mga San Beda players mula sa draft?
Masaya ako na lahat ng San Beda players na-draft.

If you can get any player from the PBA, sino ang gusto mong makuha at mapasama sa NLEX Road Warriors?
Gusto ko kunin ang lahat ng NLEX players ko from the D-League.

Read more...