Iza: Di ko inagaw kay Juday ang ‘Maria Leonora Teresa’!


Speaking of “Maria Leonora Teresa”, walang isyu kay Iza Calzado kung second choice lang siya sa nasabing pelikula. Si Judy Ann Santos kasi ang dapat na gaganap sa papel niya sa movie na tungkol sa tatlong magulang na sabay-sabay namatayan ng anak matapos maaksidente ang bus na sinasakyan nito habang nasa field trip.

Hindi natuloy si Juday sa proyekto kaya si Iza ang ipinalit, “Ako po dapat ay hindi naman kasama sa original lineup. Isang araw, ako po ay nakatanggap ng tawag mula kay Direk Wenn. Sabi niya, ‘Iza, may gagawin akong pelikula, isa-sama kita.’

“And then, sabi ko, ‘Direk, gagawa ako ng serye (Hawak Kamay), baka hindi ko kayanin.’ Sabi niya, ‘Hindi, gagawin mo iyan.’ ‘Okay, Direk!’”

“Tapos nalaman ko from my manager (Noel Ferrer), si ate Juday ang gagawa. And then, humingi na lang ako ng basbas through Noel. Sabi niya, binigyan naman daw ako ng basbas ni ate Juday,” paliwanag ni Iza.

Hindi na raw sila nakapag-usap ni Juday tungkol sa proyekto, “Hindi na, kasi hindi ko naman inagaw sa kanya yung role or anything. At dito po, gusto ko pong magpasalamat.

“Hindi na kita ate Juday…Juday!!! Thank you, thank you so much at binigyan mo ako ng basbas para gawin ito,” pahayag pa ng aktres.Sa isyu naman ng second choice, “Ako pa ba? Choosy pa ba ako? Buti nga merong  ibinibigay. I mean, it doesn’t matter if you’re first, second, third or whatever choice.

“Sandra Bullock wasn’t the first choice for ‘Gravity’. I mean, you know, this things happen. Kung lagi mong iisipin yung ego, kung palagi mo siyang pagaganahin, saan ka dadalhin nun sa buhay mo. Hindi puwedeng iyon ang laging paiiralin,” depensa pa ni Iza.

Napag-uusapan na rin lang si Juday, alam n’yo ba na very careful ang TV host-actress at mister nitong si Ryan Agoncillo sa sitwasyon ng panganay nilang anak na si Yohan.

Sey ni Juday sa isang interview, ine-explain nilang mabuti sa anak ang pagiging ampon o adopted nito. Nasa pangangalaga na nila si Yohan, 9, bago pa dumating sa kanila si Lucho na three years old na ngayon.

Paliwanag ni Juday, pareho ang ginagawa nilang pagdidisiplina sa dalawang anak, gusto nilang ipakita kay Yohan na wala silang favoritism ni Ryan, “E, kasi, baka she might think na it’s because of her situation kaya siya lang yung hinihigpitan.

Kaya palagi naming ini-explain sa kanya, especially now that nag-aaral siya sa big school, ini-explain namin sa kanya na, ‘Kaya kami naghihigpit sa iyo kasi ganito-ganito.’

Meron talagang conscious effort ang mag-asawa na ma-explain nang maayos ang lahat para hindi ma-offend ang bata, “Kasi palagi niyang sinasabi na, ‘I’m adopted, I’m ganito, they tell me I’m adopted.’ Iyon ang parang feeling kong pinakamalalaking word na hindi niya matanggap…I think.

At ang lagi raw nilang sinasabi sa bagets, “It doesn’t matter where you came from, what matters is, what’s important is we’re together, we are meant to be together.’”

Read more...