NAKATAKDANG bumiyahe si Pangulong Noynoy sa Europa at America upang yakagin ang mga potential investors sa bansa at kumbinsihin sila sa kanilang “kaligtasan.”
Matayog ang pa-ngako na bibitiwan ni P-Noynoy sa mga banyaga na sila’y ligtas na makapagnegosyo sa bansa.
Maraming kidnapping, na ang mga biktima ay Tsinoy, ang nagaganap. Mga dumarating na pasahero sa NAIA na kinukuwartahan ng mga taga immigration at customs. Mga taong pumapatay na naka-riding in tandem o magkaangkas sa motorsiklo. Panloloob sa mga bahay. Mga holdup sa kalye. Panghahalay sa mga kababaihan. Pagpatay na ginagawa ng mga addict. Pagpatay ng mga inosenteng mamamayan na kinasasangkutan ng mga pulis na dapat sana’y protektahan sila.
On top of the above-mentioned crimes, nandiyan yung corruption sa matataas na opisyal; mga taong gustong magnegosyo pero hinihingan ng lagay ng mga kawani ng gobyerno; militanteng manggagawa na pinahihirapan ang kanilang mga kapitalista; kidnapping ng mga banyaga at
ipinatutubos ng Abu Sayyaf; at ang problema ng insurgency.
Kung ang akala ninyo ay di nakakarating sa ibang bansa ang nangyayari sa Pilipinas, baka kayo ay bobo o mangmang.
Ang mga krimen at katiwalian na nabanggit ay umaabot sa ibang bansa sa pamamagitan ng iba’t ibang news organizations gaya ng AP, AFP at Reuters; international TV news networks gaya ng CNN; at ng Internet.
Kaya’t magtataka ang mga pupuntahang bansa ni Pangulong Noynoy na matapang ang kanyang apog na sabihin sa kanila na pangangalagaan ang kaligtasan ng foreign investors o tu-rista samantalang di ligtas ang mga mamamayang Pilipino sa mga masasamang-loob at mismo sa mga pulis at ibang taong gobiyerno.
Bakit tinuturing ng maraming foreigners at maging maraming Pinoy na ang Davao City ay isang “republika?”
Ang ibig sabihin nila ay parang nasa ibang bansa sila kapag nasa siyudad sila ni Mayor Rody Duterte.
Sa Davao City kasi, maunlad ang komersiyo dahil ang mga negosyante ay hindi bi-nabakalan ng gobyerno at ligtas sila sa mga kriminal.
Ang mangilan-ngilang kriminal ay di makakapaghasik ng lagim dahil alam nila na kapag nahuli sila ay tiyak papatayin sila.
Sa ibang bahagi ng Pilipinas ang mga negosyante ay pinahihirapan o binabakalan ng gobiyerno at binibiktima ng mga kriminal.
Hindi pumupunta si Mayor Duterte sa ibang bansa upang yayain ang mga investors dahil ang mga investors na mismo ang naglilinya upang makapagnegosyo sa siyudad.
Alam nila na ligtas sila sa mga kriminal at hindi sila kinokotongan ng mga pulis at kawani ng Davao City Hall.
Crab mentality o inggit sa pag-unlad ng iba ang dahilan ng pagsasampa ng kasong economic sabotage sa Department of Justice (DOJ) sa negosyanteng si Leah Cruz.
Si Leah Cruz ay pi-nuno ng Vegetable Importers, Exporters and Vendors Association (Vieva).
Maraming galit kay Leah dahil ang kanyang Vieva ay namimili ng mga gulay at prutas sa mga magsasaka sa halagang nararapat o current market price.
Ang kanyang mga karibal na negosyante ay mga middlemen o yung namimili sa mga manggagawa sa murang halaga at pinagbibili ng mahal sa palengke.
Dahil kay Leah, bumaba ang presyo ng mga prutas at gulay dahil naalis na ang mga middlemen.
Ang mga Chinese importers ay galit din kay Leah dahil siya’y nag-aangkat din ng mga gulay at pinagbibili ng mas mura sa mga palengke.
Mas mura ang mga produkto ni Leah kesa doon na pinagbibili ng mga Chinese importers.
Dahil naapektuhan sila, nagkaisa ang mga kalaban ni Leah sa negosyo at humingi ng tulong sa kanilang mga padrino na mga corrupt government officials at politicians.
Ang sinasabi ni Justice Secretary Leila de Lima na nag-hoard si Leah ng garlic o bawang ay walang katotohanan.
Ang mga garlic farmers sa Ilocos ang magtitestigo na binili ni Leah sa kanila ang bawang noong kasagsagan ng scarcity ng bawang sa palengke.
Ang mga kalaban ni Leah ang siyang nag-hoard ng bawang to make an artificial shortage.
Kilala ko si Leah dahil ang kanyang Vieva farm technicians ay tumutulong sa aking farm sa Puerto Princesa na magpalaki ng mga gulay.
Di magtatagal, ang aking farm, na noon ay tigang ang lupa, ay makakaani na ng mga gulay na bibilhin mismo ng Vieva.