Kris ‘LUMALA’ ang sakit, shooting ng ‘FENG SHUI 2’ hindi na itinuloy


Kinailangang magpahinga nang husto ni Kris Aquino kaya pack-up daw ang dalawang araw na shooting niya ng “Feng Shui 2”, ayon sa personal assistant niyang si Alvin Cagui.

Ilang araw na ring masama ang pakiramdam ni Kris pero pinipilit pa rin niyang mag-live sa Kris TV at Aquino & Abunda Tonight.

May araw na hindi na kinaya ng TV host-actress na siputin ang AA kaya ang magkapatid na Toni at Alex Gonzaga ang pansamantalang pumapalit, bagay na pinag-uumpisahan ng isyu na posibleng iwan na nina Kris at Boy Abunda ang nasabing programa.

Pero wala namang maibigay na sagot sa amin ang taga-AA dahil wala rin naman daw sinasabi sa kanila sina Boy at Kris.
Samantala, may toothbrush TVC shoot sana si Kris noong Miyerkules pero hindi natuloy dahil masama ang boses niya.

Kahapon kinumusta namin ulit si Kris kay Alvin Cagui, aniya, pagaling na raw ang TV host at sasabak na uli sa trabaho.
Tsinek namin ang Instagram account ni Kris kahapon, kinunan niya ang mga bulaklak na ipinadala sa kanya katabi ang alagang si Prada na may caption na, “Prada was showing me new batch of flowers delivered today.

The blue roses are uniquely beautiful and impressive. Getting ready to go to taping.”

Read more...