Sarah G simpleng naglandi kay Gerald

MIXED reactions ang mga readers and followers natin tungkol sa napabalitang pagkakabuking sa tunay na relasyon nina Sarah Geronimo at Gerald Anderson dahil bigla ngang tinawag ng Pop Princess ng “Babe” ang tinaguriang Drama Prince ng ABS-CBN.

May mga natuwa at kinilig at mayroon din namang mga nainis. Tsika ng mga natuwa, “Hayyy, ang sarap siguro nilang magbiruan at mag-usap kapag magkasama. Wala talaga kaming tutol na maging sila. Parehong mapagmahal sa pamilya at mga masunuring anak.”

“Naku, lumalabas ang naturalesa ni Sarah. Kunwa-kunwarian hindi nag-eenjoy na ma-link kay Gerald e, obvious naman sa simpleng paglalandi niya,” ayon naman sa isang e-mail na natanggap namin.

Nakakaloka talaga kapatid na Ervin ang kasikatan ni Sarah dahil ang bilis-bilis talaga ng feedback system sa mga social media.
Kung paano makakaapekto ‘yan sa lingguhan niyang Sarah G. Live ay siya nating aabangan. Type na type naming madiscover kung paanong soon ay magiging mga fans and supporters nina Sarah at Gerald ang mga “kakaunting” bashers nila. Ha-hahaha!
O, hayan, fair na iyan, huh! – Ambet Nabus

Read more...