I WAS wrong.
Sinabi ko kasi sa previous column ko na kayang tapatan ng tatlo nating point guards si JJ Barea ng Puerto Rico.
Mali pala.
Kahit pala pagsabay-sabayin sina Jayson Castro, LA Tenorio at Jimmy Alapag, di pa rin sila uubra kay Barea na nagtapos na may 30 puntos at limang rebounds laban sa Gilas.
Actually, tatlong bagay ang sinabi kong dahilan kung bakit mananalo ang Pilipinas sa laro nito kontra Puerto Rico.
Una nga ‘yung kay Barea.
Pangalawa ay kayang bantayan nina Gabe Norwood at Marc Pingris ang isa pang NBA veteran ng Puerto Rico na si Renaldo Balkman.
At pangatlo ay wala namang taga-Puerto Rico na makaka-check kay Andray Blatche sa shaded area.
Si Balkman ay nalimita sa dalawang puntos (1-of-3 field goal shooting) lamang habang si Blatche ay kumulekta naman ng 25 puntos (9-of-6) at 14 rebounds.
Dahil galing din sa naglalagablab na outside shooting ng Gilas kontra Argentina noong Lunes ay inakala ko na puputok uli mula sa three-point area sina Alapag, Castro, Jeff Chan at Ranidel de Ocampo kontra Puerto Rico.
Mali na naman ako. Natalo ang Pilipinas, 73-77, at nahulog sa 0-4 record sa Group B.
Pero tumama ako nang sinabi kong hindi maingat sa bola ang mga Pinoy. Sinabi ko nga na dahil sa dami ng turnovers ng Gilas, natalo ito sa Croatia (78-81), Greece (70-82) at Argentina (81-85). Puwede na rin nating idagdag ang Puerto Rico sa listahang ito.
Wala naman akong sinisisi. It’s just the fact. We committed a lot of errors due maybe to our inexperience to world-class basketball or maybe because this team still lacks time to jel and be familiarized with each other’s moves.
But it was a great ride for the Pinoy basketball fans all over the world and a great learning experience for this Gilas team.
By the way, that Puerto Rico setback was also the 12th straight setback for the Philippines in the FIBA World.
Huling nanalo ang Pilipinas noon pang July 12, 1974 kontra Central African Republic, 87-86, sa Puerto Rico. By now alam na ninyo kung nanalo tayo kagabi sa Senegal o kung nagpatuloy ang ating losing streak sa 13.
Going back to the Puerto Rico game Wednesday night which I believe we should have won. Kayang-kaya naman ng Gilas ang Puerto Rico e. Iniwan na natin sila sa first half pero bakit parang nawalan ng ganang maglaro ang mga Pinoy sa second half. Para ring wala nang gustong tumira at kung makatira man ay nag-aalangan pa.
Hindi rin tayo sinuwerte sa three-point area. Sa 28 attempts ng Gilas, anim lang ang pumasok. That’s only 21% efficiency.
Against Argentina, the Philippines made 13 of 27 tries for a very high 49% clip.
Against Argentina, too, we had 16 turnovers. Kontra Puerto Rico nadagdagan pa ito ng tatlo. Sa apat na laro, ang average turnovers ng Gilas ay 15.5 per game.
That’s high.
Dahil dehado tayo sa torneyong ito, kailangan nating maglaro ng “near-perfect” game para manalo. If we had only managed to bring down that turnover number down to a single digit then we can have a better chance of winning.
Compared to other teams, Argentina averages only 9.8 errors and host Spain commits only 11 turnovers per game.
Ang Team USA ay may mas maraming turnovers kaysa sa atin. Ang average nila ay 15.8 per game pero mataas naman ang assist-to-turnover ratio nila (1.4) kaysa sa atin (0.7).
Speaking of assists, we are among the lowest in the tournament. Ang average natin ay 10.8 kada laro tulad ng Puerto Rico.
Dalawang teams lamang ang nalamangan natin sa department na ito: Senegal (10.5) at Egypt (10.0).
Sayang talaga ‘yung talo natin sa Puerto Rico. Bago kasi tayo natalo ay may tatlong dapat mangyari para tayo makausad sa next round.
Una, dapat nanalo tayo laban sa Puerto Rico noong isang gabi.
Pangalawa, dapat matalo ang Senegal sa Argentina.
At pangatlo, dapat magwagi tayo sa huli nating game sa Group B laban sa Senegal.
Well, sa una pa lang sablay na tayo. Sayang na sayang dahil tinambakan ng Argentina ang Senegal, 81-46.
Ganyan talaga. Bilog ang bola.
May mga major tournaments pa naman tayong sasalihan in the future kung saan tayo puwedeng bumawi like the Asian Games sa Incheon, South Korea.
Kahit pa hindi payagang maglaro si Blatche sa Asian Games, puwede pa rin tayong lumaban at manalo. Mahihirapan nga lang tayo pero kapag “PUSO” na ang umiral, walang imposible, di ba?
* * *
Ayaw kong bigyan ng malisya ang desisyon ni coach Chot Reyes pero nanghihinayang ako at hindi gaanong nagagamit si June Mar Fajardo.
Hindi ba siya ang Most Valuable Player ng Philippine Basketball Association?
Kontra Puerto Rico ay naglaro lamang siya ng apat na minuto. Ni hindi man lang siya nakatira, naka-rebound o nakapagbigay ng foul sa apat na minuto ay pinalitan na agad siya. Hindi naman matatangkad ang mga Puerto Rican at sa tingin ko naman ay kaya niyang makipagsabayan sa mga big men ng kalaban.
Sa apat na laro, nag-average siya ng 8.0 minutes, 4.5 points, 0.5 turnover at 58.3% field goal shooting.
Well, do the math.
* * *
Apat na koponan pa ang wala pang talo sa 2014 FIBA World Cup: Spain sa Group A, Greece sa Group B, USA sa Group C at Slovenia sa Group D.
May 3-1 record naman ang Brazil, Argentina, Lithuania at Australia.
Pasok sa Knockout Phase ang mga bansang ito and by this time today, kumpleto na ang lineup ng 16 teams na maglalaro sa next round.
Ang top Asian team Iran ay nanalo na ng laro. Ito ay kontra Egypt, 88-73, sa Group A. Ang Korea wala pa ring panalo sa Group D.
My pick to win it all: SPAIN.