Lango ka ba sa alak?

KAPAG lango ka sa alak, hindi mo na kayang kontrolin ang anuman sa iyong kaisipan at emosyon. Siyempre ang kasunod niyan, di mo na rin kayang kontrolin ang iyong katawan.

Kung parating ganyan ang kondisyon ng katawan at pag-iisip mo — yung lango parari sa alak, marami ang sisirain nito sa iyo.

Marami ang nasisirang parte ng katawan kung palaging lango sa alak. Una na riyan ang atay, utak, mga ugat, puso at iba pa.

Hindi lang ang pisikal na aspeto ang sisirain nito kundi marami pang bagay, gaya ng relasyon.

Pansamantalang nilulunod nito ang lahat ng iyong karamdaman lalo na ang hindi kanaisnais na mga experience. Kaya nga marami sa atin pag may problema, si San Miguel ang hinaharap.

Bagkus na harapin ang katotohanan, itinatago ang mga problema sa loob ng bote ng alak.

Sa halip na ang tunay na Diyos ang tawagin, hinahanap ang birtud ni San Miguel! Gustong kalimutan ang problema, kahit pansamantala lang daw. Pero pag wala na ang espiritu ng alak, laking problema na naman ang kakaharapin na siyang magtutulak sa iyo na kunsultahin muli si San Miguel.

Buo ang kaalaman ng isang manginginom ang mga katotohanan na ito, subali’t mas pinipili niya na manatili sa paniniwala na mas maganda ang kalusugan at pag-iisip niya kapag may alak. Hindi natin isinasantabi ang kahalagahan ng social drinking at maging ang medicinal drinking.

Pero ang dapat pakatatandaan palagi ay ang alcohol ay “Hhabituating”, “addicting at “permanently damaging”.

Ang addictive nature ng tao ay maaring makahanap ng panandaliang kaligayahan sa pag-abuso ng alak at iba pang bisyo. Kung tuloy-tuloy ang gawain na ganito, hindi lang mamamatay ang pisikal na katawan kundi pati ang kaisipan at kaluluwa. Apektado rin ang relasyon sa pamilya.

Read more...