Ayon sa Ombudsman, mayroong batayan ang reklamong neglect of duty kaugnay ng post-raid operation ng OMB sa Sky High Marketing Corp., noong 2010.
Ipinag-utos din ng Ombudsman ang pagsasampa ng kasong paglabag sa anti-graft and corrupt practices act laban sa kanila.
Ni-raid ng OMB ang Sky High noong Mayo 27, 2010 sa Quiapo, Manila. Nakumpiska dito ang 127 kahon at dalawang sako ng piniratang DVD at VCD, isang unit ng Video Recording Human I.P.C.
Nahuli rin doon ang tatlong Chinese nationals. Ang mga nakumpiskang gamit ay dinala sa opisina ng OMB pero kinagabihan ay ipinag-utos umano ni Ricketts na ilabas ito at isakay sa trak ng Sky High.