Ara Mina takot nang makunan uli, ingat na ingat sa ipinagbubuntis

ARA MINA

Baby girl ang ipinagbubuntis ngayon ng dating sexy actress na si Ara Mina, courtesy of her boyfriend Bulacan Mayor Patrick Meneses.

Anim na buwan nang nagdadalang-tao si Ara at talagang triple ang ginagawa niyang pag-iingat ngayon para masigurong healthy ang kanyang magiging baby. Matatandaan na nakunan ang aktres last year sa unang baby sana nila ni Patrick.

Wala para raw silang naiisip na pangalan para sa magiging anak nila, “Wala pa eh. Siya (Patrick) daw ang mag-iisip,” ani Ara sa interview ng Kris TV na nakatakdang manganak bago mag-Pasko.

Natatandaan namin sa last interview ni Ara, plano talaga nila ni Patrick na maikasal muna bago magka-baby, “As much as possible, mas gusto naming mauna ang kasal bago ang baby. Pero kung mas mauna man ang baby, ituturing namin siyang blessing. Tatanggapin namin siya nang buong-buo.”

Read more...