Maglalaho ang poot (2)

Sulat mula kay Janette, ng Magsaysay,  Lanao del Norte     
Problema:
1.     Magkakabalikan pa ba kami ng boyfriend ko?  Ako’y isinilang noong Set. 30, 1995 at ang boyfriend ko ay Mayo 20, 1992.  Ayoko pa siyang tawaging ex, kaya hindi ako nagpapaligaw at palipad-hangin pa lang ay sinosopla ko na.  Bigla kaming nagkahiwalay ng boyfriend ko sa walang kakwenta-kwentang bagay.  Maliit na sablay na lumaki at pinalaki ng mga pride namin.
2. May pride ako at meron din siya.  Pagkatapos ng sigawan, at muntik na nga niya akong sinaktan, ay break na kami.  Pagkalipas ng tatlong araw ay na-realize ko na parang ako ang nagkamali.  At parang ako ang maraming nasabi sa kanya.  Kaya agad ko siyang tinext at humingi ng sorry.  Hindi siya sumagot.  Nang tawagan ko ay patay na ang kanyang linya.  Naramdaman ko sa kanya ang hindi makalimutang sarap ng pagmamahal.  Ngayon ay hinahanap-hanap ko na ito.  Payuhan mo ako.
Umaasa,
Janette, ng Magsaysay, Lanao del Norte
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Virgo  (Illustration 2.) ang nagsasabing compatible naman kayo ng boyfriend mo, dahil isa ang elementong taglay ninyo – ang elementong earth o lupa. Ibig sabihin sa malapit na hinahanap, malaki ang tsansa na muli kayong magkakabalikan.
Numerology:
Habang ang birth date mo ay tugmang-tugma rin sa birth date niya. Ibig sabihin, sa pag-aanalisang Astrology at Numerology, walang problema – tugma talaga kayo kaya sa malapit na hinaharap, tulad ng nasabi na, magte-text back din sa iyo ang boyfriend mo upang pag-usapan nyo ng personal ang muli nyong pagbabalikan.
Luscher Color Test:
Upang hindi na muling magkahiwalay pa at magkaroon ng di pagkakaunawaan, lagi kayong gumamit ng kulay na berde, puti at pula. Ang nasabing kulay, ang magseselyo ng isang maligaya at panghabambuhay na pagmamahalan.
Huling payo at paalala:
Janette, ayon sa iyong kapalaran kung ikaw ay cute, medyo maliit na maputi habang ang boyfriend mo naman ay isang lalaking matangkad, na medyo payat o slim ang pangangatawan, tiyak ang magaganap, sa taon ding ito, muli kayong magkakabalikan, upang pagkatapos, sa susunod na taon ay may magaganap na simpleng kasalan, na hahantong sa maligaya at panghabambuhay ng pagmamahalan.

Read more...