Sid di napigilan ang emosyon, humagulgol sa lamay ni Mark


Humagulgol ang Kapuso actor na si Sid Lucero sa lamay ng kanyang yumaong amang si Mark Gil sa La Salle Greenhills Chapel. Pumanaw ang aktor noong Lunes nang umaga dahil sa liver cancer.

Ngayong araw lang dumating sa bansa si Sid mula sa Singapore kung saan sila nag-taping nina Carla Abellana at Tom Rodriguez para sa GMA series na My Destiny.

Mula sa airport ay dumiretso na agad ang aktor sa lamay kasama ang rumored girlfriend niyang si Alessandra de Rossi.
Ayon sa ulat, pagkapasok pa lang ni Sid sa chapel ay agad na itong yumakap sa urn na naglalaman ng mga abo ng yumaong ama. Hinalikan niya ito at saka humagulgol.

Ilang sandali pa ay nilapitan na siya ng kanyang half-brother na si Gabby Eigenmann sabay yakap dito nang mahigpit.
Samantala, halos araw-araw ding umiiyak ang isa pang anak ni Mark na si Andi Eigenmann dahil sa biglaan nitong pagkamatay.

Sa kanyang Instagram account nag-post pa si Andi ng picture nila ng ama na may kasama pang lyrics ng kantang “Dance With My Father”. Ito ay may caption na: “I miss you dad. Lots of love always, always from your superstar and most loyal fans. Ever ever.”

Read more...