Apo ni Erap nag-party sa kulungan kasama si Jinggoy


Birthday ng bunsong anak ni Jackie Ejercito na si Jack nu’ng Linggo, pero sa halip na magkaroon ng party ang bata, ipinagdiwang nila ‘yun sa PNP Custodial Center.

Dinala nila ang mga handa ng bata sa pansamantalang kinaroroonan ni Senador Jinggoy Estrada, si dating Pangulong Joseph Estrada lang ang wala dahil nasa Korea, pero kumpleto ang pamilya nina Senador Jinggoy, Colonel Jude Estrada pati ang kanilang ina, mga kamag-anak at kaibigan.

Maganda ang kuwento ng pangalan ni Jackie, Jack ang ibinigay nilang pangalan ng bata, ang nakikinig namang si Precy Ejercito ay nagsabi na kapag naging babae ang anak nila ni Senador Jinggoy ay Jill ang ibibigay nilang pangalan.

Jack and Jill nga ang magpinsan, napakasarap magmahalan ng mga apo nina Mayor Joseph at Senadora Loi, kung saan nandu’n ang isa ay nagkukumpulan sila du’n.

Hindi lumilipas ang araw ng Linggo na wala sa Crame ang buong pamilya. May kani-kanyang dala silang pagkain, kani-kanyang toka sila ng putahe dahil baka madoble, mahilig pa naman sa pagkain at pagpapakain ang pamilya Estrada.

Kahit pansamantala lang ay naiibsan ang kalungkutan ni Senador Jinggoy kapag nandu’n ang buong pamilya, kinagabihan na uli siya dadalawin nang sobrang lungkot, dahil kinabukasan ay wala silang dalaw ni Senador Bong Revilla.

Ang nakakatuwa ay nagpapalitan ng pagkain ang mga Estrada at Revilla. Kung anong meron ang pamilya ni Senador Bong ay inililipat nila sa lugar ng mga Estrada at kung ano naman meron ang mga Estrada ay meron ang mga Revilla.

( bandera.ph file photo )

Read more...