PUMANAW na ang aktor na si Mark Gil nu’ng umaga ng Lunes. Ayon sa report, liver cirrhosis ang dahilan nang pagkamatay ng aktor. Si Mark ang ama nina Gabby Eigenmann (anak niya kay Irene Celebre), Sid Lucero (his son to ex-wife Bing Pimentel) at si Andi Eigenmann (bunga naman ng relasyon nila ni Jaclyn Jose).
Ilang buwan lang ang nakalipas nu’ng mapansin ng mga taga-showbiz ang biglang pagpayat ni Mark. May bulung-bulungan na ang dahilan daw nang pagkahulog ng katawan ni Mark ay dahil sa matinding karamdaman.
Kaya noong nagkaroon kami ng chance na makausap si Sid sa awards night ng URIAN sa ABS-CBN tinanong namin siya kung true ba na may sakit ang kanyang ama.
Sa pagkakaalam niya walang sakit ang aktor. Wala rin daw sinasabi sa kanya si Mark. At tingin naman daw niya okey ang kanyang ama. Maaaring dahil nagkakaedad lang daw ang daddy niya kaya pumapayat.
“He’s been losing weight for the past four years na ata, parang ganoon. Simula nu’ng nag-stop siya (drinking) lumiit na siya. Hindi na siya bloated. Hindi na bumalik ang katawan niya.
And then, I don’t know, alam ko when you’re withdrawing from anything it takes a toll on your body,” pahayag ni Sid last June.
Maging si Gabby ay natanong din ng ilang manunulat kung may sakit na iniinda si Mark.
At gaya ni Sid, sinabi ni Gabby na okey naman ang daddy nila. Tiyak na uuwi ng Pilipinas ang mga magulang ni Mark mula sa Amerika na sina Eddie Mesa at Rosemarie Gil.
Sa huling interbyu naman namin sa youngest sister ni Mark na si Cherie Gil, naka-schedule siya na bisitahin noon ang kanyang anak na mag-aaral sa New York. At pagkatapos, magto-tour pa raw sila sa Spain kung saan nandoon ang relatives ni Roni and her daughter.
Sabi pa ni Cherie sa amin, she’s looking forward to a three month break. For sure, maka-cut short ang bakasyon ng aktres.
Sa pamilya Eigenmann, our condolences po.
( bandera.ph file photo )