Number two na sa dami ng views ang music video ng “Pare, Mahal Mo Raw Ako” ng anak-anakan nating si Michael Pangilinan (composed by our dear friend Joven Tan) para sa nalalapit na Himig Handog P-Pop Love Songs 2014, gaganapin ang grand finals nito sa Araneta Coliseum come Sept. 28, 2014.
Kagabi rin ginanap ang grand presscon nito sa Dolphy Theater ng ABS-CBN. Ang nanguna sa list ay ang “Simpleng Tulad Ko” ng isa pa nating baby na si Daniel Padilla.
That’s undeniable dahil superstar naman ang bagets. Nakakatuwa lang dahil kahit paano ay sumisipa ang song and music video ni Michael kahit sabihin pa nating siya ang least-popular among all the interpreters.
“Maganda kasi ang song, guwapo si Michael and super-duper ganda ng MTV niya. Very simple pero makatotohanan. Marami kaya ang naka-relate,” anang isang babaeng nakausap namin.
Imagine, babae siya ha. E, kasi nga, ang tunay na market ng song ay ang gay community. “Hindi kasi OA ang lyrics, tamang-tama ang timpla pati melody.
And one thing very important to us ay ang pag-alaga sa lyrics, hindi siya offensive to any gay. Marami kasing songs in the past na either pinaglalaruan ang mga bading or if not, they’re put in bad light.
“Kadalasan kasi, novelty lang at pinaglalaruan ang kabadingan. First time kaming nakatunghay ng isang serious song about a man and a gay na hindi nagbabastusan.
“It’s really very gender-sensitive. Ilang beses yata akong nakaranas ng ganito. Puwede naman talaga ang ganoong scenario, ang daming ganyan actually.
Yung ma-in love ka sa best friend mo and you think you’ll be happiest in the world pag naging kayo. Pero siyempre, hindi mo naman hawak ang feelings ng iba, kaya chances are, malamang na hindi magiging kayo.
“But how would it be said to you at kung paano mo tatanggapin ang sitwasyon are two different issues and through this song, panalo ang atake. Napakahusay ni Joven Tan para maitawid ang temang ito,” sabi ng ng isang gay-friend namin.
To vote for Michael and this song sa MOR’s CHOICE, just text MORHHSONG11 and send it to 2331. Para sa Listener’s Choice naman, buy a copy of Himig Handog 2014 album at i-fill out ang ballot sa gitna ng album and check the song of your choice (siyempre unahin ninyo ang Pare, Mahal Mo Raw Ako, ‘no! Ha-hahaha!) at ihulog sa dropbox ng record bar na pinagbilhan ninyo.
Tsaka nga pala, yung self-titled album ni Michael Pangilinan kung saan nakapaloob naman ang kaniyang sikat na sikat na version ng “Kung Sakali” ay available pa rin sa Odyssey, Astroplus and SM stores.
( bandera.ph file photo )