Gilas, Argentina maghaharap sa FIBA World Cup

MAKAKAHARAP ngayon ng Gilas Pilipinas sa kanilang ikatlong laro sa FIBA World Cup ang dating Olympic gold medallist Argentina sa Group B preliminary round na ginaganap sa Centro Deportivo San Pablo sa Seville, Spain.

Ang laro ay nakatakda alas-5:30 ng hapon (alas-11:30 ng gabi sa Pilipinas) kung saan makakasukatan ng mga Pinoy ang pinakamatinding koponan sa kanilang grupo.

Pamumunuan ni Luis Scola ang Argentinian Five na hindi makakasama si San Antonio Spurs guard Manu Ginobili dahil nagpapagaling pa ito buhat sa mga iniindang injury.

Ang Argentina, na nagkampeon sa nasabing torneo noong 1950 at nagdomina sa Pan American Games, ay makakasama rin si dating Chicago Bulls guard Andres Nocioni at New York Knicks playmaker Pablo Prigioni.

Bago ang laro kontra Argentina ay nakaharap muna ng Gilas ang No. 5-ranked Greece Lunes ng madaling araw.

Read more...