Heart napaiyak sa sobrang sama ng loob dahil kay Marian


May chart of comparison between Heart Evangelilsta and Marian Rivera na inilabas ang isang popular website. Nag-react si Heart sa blogger at sinabing napaiyak siya. Kasi naman, lumabas na talo si Heart kay Marian.

Sa education pa lang ay wagi na kaagad si Marian, she being a college graduate samantalang si Heart ay hindi nakapag-kolehiyo. But between them, mukhang mas may pinag-aralan si Heart.

Mas class pa rin ang beauty ng dyowa ni Sen. Chiz Escudero dahil nakakapag-English siya. In most of her commercials, English ang lines at hindi iyon dina-dub ng professional dubber, si Heart talaga ‘yon.

Mas lamang naman si Heart sa dami ng commercials at big time ang kanyang mga ini-endorse. Wala siyang ineendorsong hindi kilalang brand. Nakakaloka na ginawa pang isa sa criteria ang proud and happy parents.

Actually, naranasan na naman ni Heart na magkaroon ng proud and happy parents. Hindi naman siya kaaway ng kanyang magulang forever. Isa pa, lumaki siyang kumpleto, kapiling ang ama’t ina at mga kapatid.

There was never a time na naging broken family sila. Achievement-wise, higit na maraming na-achieve si Heart. Hindi siya nagdaan sa pagiging ekstra lamang. Hindi siya nag-mother role kaagad.

Best of all, maganda ang image ni Heart. Hindi siya nasangkot sa pang-aaway ng female stars. Wala siyang story na ikinulong niya ang co-star niya sa banyo para tarayan.

Hindi na-turn off sa kanya ang mga advertisers dahil hindi siya nawalan ng commercial for a very LONG time. Hindi rin siya palaaway at mukhang palengkera. Galing siya sa de buena familia.

Carry niya ang mag-host, fluent siya sa English at hindi siya pinagtatawanan sa social media because of her flawed grammar.

( bandera.ph file photo )

Read more...