Jason Abalos niregaluhan ng bagong sasakyan si Vickie


Bongga palang dyowa itong si Jason Abalos. Kasi naman, wala talaga siyang pag-aalinlangan na bigyan ng brand new car ang girlfriend niyang si Vickie Rushton, ang Pinoy Big Brother Fourth Big Placer.

Actually, ayaw pang aminin ni Vickie kay Kris Aquino kung anong regalo ang natanggap niya mula kay Jason nang lumabas siya sa Bahay ni Kuya.

Eh, may nagmagandang staff ni Kris ang nagsabing isang brand new car ang gift ni Jason kay Vickie kaya naman napatili si Kris. Alam n’yo naman si Kris kung gaano ka-OA sa kanyang reaction.

Anyway, itsinika ni Vickie na tinuruan muna siya ni Jason na mag-drive sa Manila. Ang alibi nito ay hindi pa masyadong kabisado ni Vickie ang mga pasikot-sikot sa Manila, she being a native of Bacolod.

Later, nang ipa-park na niya ang car ay nagulat na lang siya na merong isa pang brand new car. Iyon na pala ang gift ni Jason sa kanya. Inusisa ni Kris kung ano’ng brand ng car.

Bagama’t reluctant noong una ay sinabi ni Vickie na isa itong Honda car, hindi lang niya matukoy kung ano’ng model.
Aminado naman si Vickie na nagkalabuan sila ni Jason dahil sa mga chikang naging close siya kay PBB Big Winner na si Daniel

Matsunaga pero aayusin na raw niya ito kay Jason.

( Photo credit to jason abalos official fanpage )

Read more...