Top spot itataya ng FEU

Mga Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
2 p.m. UP vs FEU
4 p.m. UST vs Ateneo
Team Standings: FEU (8-2); La Salle (7-3); NU (7-3); Ateneo (7-3); UE (5-5); UST (5-5); UP
(1-9); Adamson (0-10)

MAGKAKAROON ngayon ng pagkakataon ang Far Eastern University na manatiling nagsosolo sa unang puwesto habang palalakasin uli ng Ateneo ang kapit sa ikalawang puwesto sa pagpapatuloy ngayon ng 77th UAAP men’s basketball sa Smart Araneta Coliseum.

Katipan ng Tamaraws ang University of the Philippines sa unang laro sa ganap na alas-2 ng hapon at patok na makukuha ang panalo para maitulak ang nangungunang baraha na 8-2.

Wala si FEU coach Nash Racela dahil tumulak ito patungong Spain para makasama ng Gilas Pilipinas na kakampanya ngayon sa FIBA World Cup at ang deputy na si Eric Gonzales ang didiskarte sa laro.

Walang nakikitang anumang problema sa bagay na ito dahil nakatanim na ang sistema na ipinaiiral ni Racela kaya’t patuloy ang inaasahang magandang paglalaro ng koponan sa pangunguna nina Mike Tolomia at Mark Belo.

Read more...