Brain attack | Bandera

Brain attack

Dr. Hildegardes Dineros |August 29,2014
facebook
share this

Brain attack

Dr. Hildegardes Dineros - August 29, 2014 - 03:00 AM

ANG brain attack o stroke ay ang pagtigil ng daloy ng dugo dahil sa pagputok ng ugat (hemorrhagic stroke) o kaya ay nagbara ang daluyan ng dugo (thromboembolic stroke).

Isang emergency situation ang stroke na nangangailangan ng mabilis na pagtugon. Mahalaga ang magkaroon ng maagang diagnosis. Malalaman lamang ito kung nadala ang pasyente sa ospital, sa emergency room.

Paano ba malalaman kung na-stroke na?

Kung ikaw ay nakaramdam ng matin-ding sakit sa ulo, nahilo, natumba, nawalan ng malay, nangisay at umikot ang mga mata pataas (seizure), bumaba ang blood pressure, namutla, tumigil sa paghinga at sa bandang huli ay tumigil na rin ang tibok ng puso —ang mga ito ang paunang senyales ng brain attack. Para matigil ang atake, mga gamot at suporta ay makukuha lamang sa emergency room.

Anu-ano ang kalagayan ng tao na masasabing nalalapit sa stroke? Una rito ay ang kanyang timbang, lalo na kung ang kabigatan ay dahil sa katabaan (obesity).

Kung may sakit na diabetes at mataas ang cholesterol at triglycerides (lipids), mas mabilis na naninigas ang mga ugat, daan para magbara at pumutok ang mga ito lalo na kung may Alta Presyon o Hypertension.

Ang negatibong pamumuhay, kasabay na rito ang mga bisyo gaya ng pag-inom ng alak at paninigarilyo, kakulangan ng ehersisyo at pagkain ng mga unhealthy foods ay mga risk factors.

Kasama na rin dito ang mga sakit na nagdudulot ng pamumuo ng dugo (blood clot o thrombus) gaya ng Venous Hypertension at Cardiac Arrhythmia.

Ang pagtatanim ng sama ng loob (unforgiving) ay isang napakalaking bagay rin na maaring humantong sa stroke o brain attack dahil lang sa karamihan ng stress ay nanggaling dito.

Kapag na-stroke, masuwerte na kung mabubuhay pa nguni’t malaking sagabal ang mga neurologic deficits gaya ng pagka-imbalido (paralysis) at pagiging “vegetable” dahil sa hindi na kaya ng pasyente na maalagaan ang sarili para na lang itong gulay na nakalupaypay.

Ano ang dapat gawin para makaiwas sa stroke? Pinakamainam pa rin ay ang pagkakaroon ng awareness ng isang tao na nagtataglay ng isa o ilan sa mga risk factors ay may chance na magkaroon ng brain attack sa anumang panahon. Pangalawa ay ang pagbabago ng lifestyle na makakapagpabuti ng kanyang kalusugan.

Magpatingin sa Neurologist sa unang pagkakataon na may sintomas na naramdaman.

Inaanyayahan ko kayong lahat na makinig sa Radyo Inquirer 990AM, sa RADYO MEDIKO, tuwing ika-8 ng gabi para sa dagdag na impormasyon tunkol sa inyong kalusugan.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending