Kris nagkasakit matapos gawin ang ice bucket challenge
HINDI nakasipot si Kris Aquino sa Aquino & Abunda Tonight noong Martes dahil maysakit daw kaya’t ang magkapatid na Toni at Alex Gonzaga ang humalili sa kanila ni kuya Boy Abunda na nagpapagaling pa rin hanggang ngayon.
Matatandaang tinanggap ni Kris ang hamong ALS ice bucket challenge na ginawa niya nang live sa The Buzz noong Linggo.
Hindi kaya dahil dito kaya nagkasakit ang Queen of All Media?
Bumilib nga kami kasi pumayag si Kris sa challenge, e, alam naming ginawin siya at hindi siya puwedeng maligo ng hindi hinahaluan ng mainit na tubig. Bukod dito ay sobrang lamig pa sa studio ng The Buzz kaya hindi kataka-takang nagkasakit si Kris.
True enough, noong Martes ay nag-post ang Queen of All Media ng, “The biggest bouquet of red roses I’ve ever received…was delivered to my home but there was no card. Whoever you are, THANK YOU for making a not feeling well girl SMILE! J.”
Tanong ng marami ay kanino galing ang mga bulaklak? Oo nga, kanino nga ba bossing Ervin?
Hindi kaya galing kay Quezon City Mayor Herbert Bautista para hindi na magtampo si Kris dahil hindi nagustuhan ng TV host-actress ang pagiging, “spokesperson” daw nito ng banggitin ang pangalan ng mga lalaking naugnay sa kanya noon sa ginanap na birthday lunch ng entertainment press noong Sabado, Agosto 23.
Imposible namang si Derek Ramsay dahil hindi ‘yun nagbibigay ng walang card at higit sa lahat wala namang pakialam ‘yun kung malaman ng madlang pipol na nagpadala siya o hindi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.