DEAR Aksyon Line,
NOON lamang isang araw ay tumuntong na ako sa edad na 60. Gusto ko lang sana na itanong sa Social Security System kung kwalipikado na ako sa pension at kung pwede ko itong i-lump sum.
Ang aking SSS no. 035260065-3. Ako po si Ramon O. Bedes Jr. Sana ay matulungan ako ng Aksyon Line na masagot ang aking katanungan.
Maraming Salamat.
Ramon O. Bedes, Jr.
REPLY: Para sa katanungan ni G. Bedes kung siya ay kwalipikado na sa pension at kung maaari itong i-lump sum, base sa record ng SSS, pasok na si G. Bedes sa lifetime pension.
Gayunman, may problema lamang si G. Bedes dahil meron siyang mga loans na hindi pa niya nababayaran.
Taong 1995 nang siya ay mag-avail ng calamity loan habang noong 1996 naman ay meron din siyang salary loan.
Sa ngayon siya ay may pagkakautang na P18,000 para sa calamity loan habang P39,000 naman ang pagkakautang pa niya sa kanyang naging salary loan. Kasama na rito ang principal at interest sa tagal ng hindi niya pagbabayad.
Pinakahuling pagbabayad ni G. Bedes ay noon pang 1997.
Dahil dito ay hindi pa siya maaaring mag lump sum o makuha ang 18 months na lump sum pay dahil sa mga nasabing loan.
Kinakailangan munang mabayaran ang mahigit sa P57,000 na kanyang pagkakautang.
Maaari rin naman na bayaran ang kanyang loan sa pamamagitan ng pagkaltas sa buwanang pension. Siya ay may pension na P1,200 kada buwan.
May Rose Francisco
Social Security
Officer IV
Media Affairs
Department
Social Security
System
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.vvv.