Titiyakin ni Sam Milby na si Shaina Magdayao muna ang makakaalam na nanliligaw siya sa dalaga bago ito makarating sa media. Umamin ang Kapamilya actor na bumalik muli ang “special friendship” nila ng sister ni Vina Morales matapos ngang maudlot ang panunuyo niya noon sa dalaga.
Sey ni Sam, mas marami silang time ngayon na mas makilala ang isa’t isa, pero mabilis niyang nilinaw na hindi pa sila talaga nagde-date nang silang dalawa lang – palagi raw ka-join ang common friends nila.
“Shaina and I was an unexpected friendship. Dati, nu’ng sinabi kong gusto ko siyang ligawan, we hang out a few times with a group kasama yung mga friends niya. Pero wala talagang nangyari. We never got the chance to talk. Walang growth. Tapos dito, we have common friends, nagha-hang out kami na walang intention at all.
“There’s no intention of making ligaw at all or anything like that. Ayun nga, our friendship has grown and we’re still friends.
Basta, you know, we’re enjoying the friendship and we’re taking it slow,” paliwanag ni Sam nang makorner ng entertainment media after ng presscon ng latest movie niyang “The Gifted” sa Library, Metrowalk, Pasig, kasama sina Anne Curtis, Cristine Reyes at direktor ng pelikula na si Chris Martinez.
Tinanong si Sam kung ano ang kanyang reaksiyon sa sinabi ni Shaina na siya na lang ang tanungin kung totoong nililigawan niya ang aktres, kaya inisip ng publiko na totoong may namamagitan na sa kanila, Hirit ni Sam, “Pero sinabi rin niya na there are other guys na nanliligaw sa kanya and she’s hanging out with.
“I also said last time na kung meron ako nililigawan or dine-date, parang ayaw ko din sabihin, kasi minsan ‘pag sinasabi ko, parang hindi nangyayari,” sey pa ng binata.
Nangako naman ang leading man nina Anne at Cristine sa “The Gifted” na hindi niya ipagdadamot sa kanilang fans ang tunay na estado ng kanilang relasyon, “Yun nga sinabi ko. If ever may balak, ayoko naman first-off sabihin sa inyo. I’d rather say it to the person.”
Ano nga ba ang mga katangian ni Shaina na nagustuhan niya at mukhang ang dalaga na nga ang ipapalit niya kay Anne na last girlfriend niya, “Maganda talaga ang puso niya. She does charities na hindi naman niya pinu-post sa Instagram.
“Some people will do that para ipakita na ‘I’m doing this.’ Pero si Shaina, when she does charities, hindi niya binu-broadcast. She really wants to do that out of the goodness of her heart,” tugon ni Sam.
Samantala, todo naman ang papuri ng direktor ng “The Gifted” sa ipinakitang akting ni Sam sa latest offering ng Viva Films at MVP Entertainment na showing na sa Sept. 3 nationwide. Sey ni direk Chris, hindi nagpalamon ang aktor sa husay nina Cristine at Anne sa movie.
Inamin naman ni San na mas mahirap magpatawa kesa sa magdrama, “Because sa drama, umiyak ka lang, mapapaiyak mo na rin ang audience, but with comedy, it’s a matter of timing, kailangan tama ang pagbitiw mo ng dialogue sa tamang oras. And I think, this movie, ay talagang mapapatawa at mapapasaya ang manonood.”
Sabi pa ni Sam, bilib na bilib siya sa dalawa niyang leading lady sa pelikula dahil napaka-professional ng mga ito. Kahit daw hirap na hirap sila sa kanilang costume at prosthetics bilang isang obese (Anne) at chaka (Cristine) ay game na game pa rin ang dalawa sa kanilang mga madadramang eksena at “action” scenes. Imagine nga naman, sa make-up at pagsusuot pa lang ng kanilang costume ay tumatagal na ng ilang oras.
Magkakaroon din ng premiere night ang “The Gifted” sa Sept. 2, 6 p.m. sa Glorietta cinema 4 at sa SM Megamall, Aug. 31, 8 p.m., pero bago ito, magkakaroon muna ng mall show sina Anne, Cristine at Sam sa SM Fairview at Glorietta Activity Center ng 7 p.m.. Kaya sa mga fans ng tatlong bida ng “The Gift”, sugod na!