Kris ginamit ang 3 sisteraka para makaganti kay Herbert

KRIS AQUINO

Hala, nagsimula nang mag-emote si Kris Aquino sa Instagram niya. Sinimulan na naman niya ang pag-iingay via some blind items na obviously ay si Q.C. Mayor Herbert Bautista naman ang tinutukoy. War kung war.

Talagang nag-e-emote ang lola Kris ninyo – hindi kinayang tanggapin ang pagkatalo sa kanilang naunsiyaming relasyon. Ha-hahaha!

Sa kaniyang Instagram, ginamit na naman niya ang mga darling sisters niya – ang Yellow Ladies – para kumuha na naman ng public sympathy. Iyong very Kris na drama. Na kesyo ina-advise siya ng mga sisterakas niya na huwag patulan daw si Mayor Bistek.

Ang tanong, anong dapat niyang ikapatol sa mga sinabi ni Mayor Herbert during his birthday blowout sa entertainment writers? Wala namang masamang sinabi si Mayor laban sa kanya, di ba?

Sinagot lang naman niya ang mga tanong that definitely involved her in a way kasi nga – she assumed naman talaga na nagkarelasyon sila ni Bistek, di ba? Tapos sasabihin niyang meron na siyang spokesperson in Mayor Bistek.

Ngayon pa ba naman magmamanipis si Kristeta? Wow ha! Bago iyan ha! Hay naku, siya lang ba ang puwedeng magsalita – si Bistek bawal? Ganoon? Martial law sa press? Galing ha!

Read more...