Pure Love biglang tumaas ang rating dahil kina Arjo at Sylvia

ARJO ATAYDE, ALEX GONZAGA AT JOSEPH MARCO

HINDI ko man nasusubaybayan regularly ang isa sa mga hinahangaan kong afternoon primetime soap na Pure Love na hango sa isang Koreanovela starring Alex Gonzaga, Joseph Marco and our baby Arjo Atayde pero nababalitaan ko naman ang mga kaganapan sa soap na ito ng ABS-CBN.

Dati-rati’y oks-oks lang ito sa ratings game pero recently ay umariba na ito sa primetime high na 23.5% sa survey. Talagang malakas ang Pure Love na napapanood right before TV Patrol on weekdays.

Honestly, I attribute Pure Love’s success sa mahusay na performances ng mga artists lalung-lalo na sa mag-inang Arjo and Ms. Sylvia Sanchez. In fairness sa mag-inang ito, mula nang pumasok si Sylvia as Ramona, ang baliw na ina ni Raymond (Arjo), the more na umarangkada ang rating. Probably because nakaka-identify ang audience sa husay nina Arjo at Sylvia. Natuwa sila dahil bihira nga namang magsama ang tunay na mag-ina sa isang serye o pelikula.

Nagkataon pa namang napakahusay talaga ng magnanay kaya aliw na aliw kami sa nabalitaan namin. Don’t worry, starting next week ay uugaliin ko nang tumutok sa Pure Love dahil the past weeks ay talagang ngarag ako sa napakarami kong commitments na natataon pa namang in conflict with my TV watching lalo na sa oras ng Pure Love. Promise!

Read more...