Genuine friend pala itong si Beverly Salviejo. Beverly posted a message asking for help para sa kaibigang si Tiya Pusit na nasa ospital ngayon at kailangan ng operason.
Sa kanyang message ay sinabi ng comedian na kailangang makalikom ang pamilya ni Tiya Pusit ng P400,000 to P500,000 para sa operasyon nito sa puso. Meron kasing bibilhing stent na ikakabit sa puso nito.
Apparently, Tiya Pusit is suffering from aortic aneurysm. Ipinost din ni Beverly ang cellphone number ng anak ni Tiya Pusit na si Christian (09328427295) para sa mga nagnanais na magpahatid ng tulong pinansiyal.
Kaagad naman na nag-post din ang former Kapamilya actress na si Paula Peralejo para sa komedyante. “At sa mga ayaw naman pong magdonate dahil walang ALS org sa Pilipinas (I don’t get this argument, foreign countries help us all the time whenever we have calamities, etc. But anyway…), here’s one person you can help: TIA PUSIT.
Sa mga napatawa niya at napaligaya, a little help goes a long way. I saw this on Ate Beverly’s feed about a week ago, ngayon ko lang na share. Please spread the word ?? Salamat!” tweet ni Paula.
Oo nga. Maraming celebrities natin ang nag-donate para sa ALS. Bakit hindi naman ang local artist natin ang inyong tulungan.
We challenge Anne Curtis, Angel Locsin, Kris Aquino, Vice Ganda, Zanjoe Marudo, Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Bea Alonzo and other celebrities to help Tiya Pusit.
Also, sana tumulong din ang mga komedyanteng sina Vic Sotto, Joey de Leon, Sen. Tito Sotto at Michael V kay Tiya Pusit.