MAGTATAPAT uli sina Arvin Chan at Jhay Tongson sa kauna-unahang Pacific Extreme Combat ‘Laban MMA’ sa Lipa City ngayon Sabado sa Lipa City Youth and Cultural Center sa Batangas.
Ito ang ikalawang pagkikita ng dalawa at ang unang bakbakan ay natigil nang sundutin sa mata ni Chan si Tongson.
“May unfinished business ang dalawa at kapwa may gustong patunayan,” wika ni MMA fighter at promoter Erwin Tagle nang dumalo sa PSA Forum sa Shakey’s Malate kahapon.
“It’s going to be an exciting match-up. Makikita natin sa dalawa kung sino ang nag-improve at kung sino ang nag-adjust,” dagdag ni Tagle. Si Chan ng Fist Gym at Tongson ng Submission Sports Philippines ay maglalaban sa 155-pound division.
Sampung iba pang laban ang kukumpleto sa fight card na bahagi ng provincial development ng PXC. Bukod sa Batangas, nakatakda ring mag-organize ng MMA event ang PXC sa Baguio, Bacolod, Boracay, Cebu at Davao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.