Kris feeling girlfriend ni Daniel
MARAMI ang nagulat sa pagkapanalo ni Daniel Matsunaga sa katatapos lang na PBB All In ng ABS-CBN. Kasi nga raw, how can a very non-Pinoy be a grand winner of a reality contest.
“PINOY Big Brother na nga at REALITY show ang tawag dito, paanong nangyaring si Daniel Matsunaga na isang Brazilian-Japanese ang nanalo sa isang programang intended for Filipinos? Wala siyang dugong Pinoy kahit 0.1 percent lang.
Unfair iyon sa lahat ng tunay na Pinoy na nag-audition at sumali. “Tsaka di ba’t celebrity guest lang naman talaga siya? Ano ‘to, panibagong dayaan na naman?” galit na galit na panunumbat ng isang nakapanood ng grand finals,” sabi ng ang isang observer na nakausap namin.
Kahit nga raw mismong mga kaanak ni Daniel had whams for him – feeling raw nila ay baka hindi manalo si Daniel dahil hindi siya tagarito sa atin.
Not even that, wala talaga siyang Pinoy blood. But then and again, anong magagawa natin eh, sa nanalo na siya. He wins over a million pesos in cash and prizes and gets his much-needed publicity to make him a bigger star.
And with his winning, his family daw plans to settle here for good. Mas nais na raw nilang manirahan dito kaysa doon sa bansa nilang Brazil.
“Well, close naman si Daniel kay Kris Aquino kaya madali lang naman silang makahingi ng supporting papers para dito na nga sila tumira. Di ba’t type na type ni Kris ang lalaking iyan? Tiyak eeksena iyan ngayon dahil feeling GF siya ng Big Winner.
Ha-hahaha!” sabi pa ng aming friend na ganoon na lang ang pagkairita kay Kris – lahat na lang nasisilip. Ha-hahaha! Kung ibabase mo naman kasi sa performance sa loob ng Bahay Ni Kuya, had Daniel been a regular housemate, wala naman talagang ibang puwedeng maging grand winner kungdi siya dahil bongga naman daw talaga ang kaniyang presence sa loob.
Doon lang naman nagkatalo sa kaniyang pagiging Brazilian – and that’s most important above everything. Kumbaga, kung halimbawa’y nag-audition ito, tiyak na sa una pa lang ay hindi na makakapasa dahil wala siyang karapatang maging part of a reality show tulad nito dahil hindi siya Filipino citizen. Ganoon iyon.
Ang saya-saya ng mga members of the entertainment media nang makipagtsikahan sa amin ang kaibigan naming si Quezon City Herbert Bautista last Saturday sa Vera Perez Gardens.
Lahat kasi ng mga tanong tungkol sa maraming bagay-bagay ay nasagot ni Bistek in his little capacity. Hindi totoong tsinismis niya si Kris Aquino, ‘no! Sinagot lang naman niya ang mga tanong about that controversial connect niya with Kris before kaya hindi siya puwedeng pagbintangang spokesperson ni Kris. Ha-hahaha!
Isa sa pinaka-interested kaming anggulo ay yung tungkol sa binasang kiyemeng joint letter ni Kris sa Aquino And Abunda Tonight nu’ng bago pa lang lumabas ang isyu sa kanilang dalawa.
May nagsabi kasi sa amin nu’ng pinabasa ni Kris yung letter niya for Bistek, he edited some parts of the letter which Kris agreed naman pero nu’ng binasa na niya ito on air, yung buong version pa rin ang lumabas.
“Hindi niya pinabasa sa akin nang personal yung letter. Through phone lang. Pero okay na iyon. Tapos na ang isyung iyon,” ani Bistek. “Ha-hahaha! Assuming pala talaga ang babaeng iyan.
Akala ko ba religious siya pero hindi naman pala siya honest. Nakakaloka siya, ha. In-edit na pala at pumayag naman siya pero hindi pa rin iyon ang sinunod niya. Kaloka. Gusto lang talaga niyang maipit ang lalaki.
Isang baliw at kalahati. Siguro ganoon siya talaga ka-in love kay Bistek noon, ‘no!” anang isang katabi naming reporter that day. In fairness naman kay Mayor Bistek, wala siyang sinabing bad about Kris.
He was such a gentleman though meron lang siyang mga nilinaw na small items. Kaya walang dapat ikabahala si Kris – kung talagang naka-move na siya, she must just shrug off her shoulders dahil mabuting tao si Herbert Bautista na never nanira ng mga babaeng nakarelasyon niya or kahit naugnay lang sa kaniya ng less than a month like her.
Thanks pala sa pag-alala sa aming mga taga-press na nag-birthday from the month of January hanggang September, Mayor Bistek, ha. Sana gawin mong regular ang tsikahang ito para hindi ka namin nami-miss nang husto. Ha-hahaha!
( bandera.ph file photo )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
