Michele, Marco tanggap na ang hatol kay Dennis Roldan


Tanggap na ng dating PBB All In housemate na si Michele Gumabao at Kapamilya teen actor Marco Gumabao ang naging hatol sa kaso ng kanilang amang si Dennis Roldan.

Ayon sa magkapatid, nananatili ang pagmamahal nila sa kanilang ama at suportado pa rin nila ito kahit anong magyari. Guilty nga ang hatol ng korte kay Dennis Roldan matapos ngang mapatunayan na ito nga ang naging mastermind sa pagkidnap sa isang three-year-old Filipino-Chinese boy noong 2005.

Sa kanyang Twitter account, sinabi ni Michele na hanga siya sa tapang at tatag ng kanyang ama. Aniya, “Your strength and love for God is what amazes me papa.

I love you and I am proud of you! We will never stop fighting by your side. Trust God.”  Sey naman ni Marco, “All in God’s plan.”

Read more...