Kris, Korina, Tunying, Vice sumabak sa ice bucket challenge


Tinanggap din ni Kris Aquino ang hamon ni Derek Ramsay sa ice bucket challenge. Naganap ito nang live sa The Buzz nitong nagdaang Linggo.

Pero dahil hindi nagawa ni Kris ang hamon ni Derek sa loob ng 24 hours, as per the rule, nag-donate din si Kris  sa ALS Association na siyang nagpasimula ng nasabing challenge (sa Amerika), “Here’s my $100 and I’m donating it to alsa.org,” sey ni Tetay.

Pero bago gawin ni Kris ang challenge, hinamon naman niya sina Anthony Taberna, ang writer ng Kris TV na si Darla Sauler at si Vice Ganda. Ang co-host ni Kris sa The Buzz na si Toni Gonzaga kasama si Bimby ang nagbuhos ng isang bucket ng yelo at malamig na tubig sa TV host.

Kahapon naman sa Umagang Kay Ganda, tinanggap ni Anthony Taberna ang challenge ni Kris. Nagpabuhos na rin sina Korina Sanchez at Doris Bigornia habang kinagat ni Vice ang ice bucket challenge kahapon sa live episode ng It’s Showtime.

Para sa hindi pa nakakaalam, ang ice bucket challenge ay isang campaign to raise funds for people na may amyotrophic lateral sclerosis (ALS).

( bandera.ph file photo )

Read more...